Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Academy of Rock, nagbigay-tulong sa Bantay Bata

ni Maricris Valdez Nicasio

FRESH na fresh ang aura ni Yeng Constantino nang humarap ito sa amin kamakailan para sa presscon ng Academy of Rock album launching at mini concert kasama ang mga estudyante ng AOR na ginawa sa Wa Fu restaurant.

Suot-suot ni Yeng nang oras na ‘yon ang kanilang engagement ring at kitang-kita na super in-love ito sa kanyang BF na si Yan Asuncion. Kaya naman nasabi nito na hindi dapat matakot ang sinuman sa kasal at commitment dahil isa itong magandang bagay.

Nais kasi ni Yeng na maging inspirasyon sa mga kabataanat nais niyang maalis ang takot sa sinumang nagnanais mag-asawa. ”Ang pagpapakasal o desisyon na maging commited sa someone na mahal mo ay isang magandang bagay. Kaysa mag-enter ka sa isang relationship na not honoring God and of course hindi rin makabubuti sa ‘yo,”aniya.

Samantala, iginiit pa ni Yeng na hindi niya babaguhin ang klase o tipo ng kanyang musika sakaling mag-asawa na siya. Ito raw kasi ang nagustuhan sa kanya ng fans kaya walang rason para baguhin niya ang genre ng kanyang music na tunog teen-ager.

Sa kabilang banda, lumipad patungong Singapore si Yeng noong May 13-14 para i-renew ang kontrata niya bilang ambassador ng AOR, pagre-record ng bago niyang single, at ang shooting ng music video para sa The Next Step Volume 2 album.

Ang The Next Step Volume 2 album ay produce ng AOR bilang parte ng AOR Outreach Program sa 2014. Ang proyektong ito ay batay sa paniniwala ng AOR at pangako nila sa Corporate Social Responsibility na lahat ng kikitain nito mula sa digital at physical sales ng awitin ay direktang mapupunta sa Bantay Bata Foundation ng ABS-CBN. Ang slogan ng album ngayon ay Lend Us A Hand, Gkikve Them A Hope. Ang napili namang theme ay Diversity.

Ang The Next Step Volume 2 album ay internal production ng mga estudyante at guro o miyembro ng AOR. Ang carrier single naman ng album na ito ay ang Seenzoned ni Yeng.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …