SUGATAN ang babaeng driver nang mahulog sa creek ang kanyang sasakyan sa Araneta Avenue, Quezon City kamakalawa ng gabi.
Ang 18-anyos na si Joshielou Azarcon ay nasagip dakong 7 p.m. makaraan ang dalawang oras nang mahulog sa creek ang kanyang sasakyan.
Agad dinala si Azarcon sa St. Lukes Hospital para sa agarang lunas.
Ayon sa traffic sector Quezon City Police District (QCPD), patungo ang kotse sa Quezon Ave., nang kumaliwa malapit sa Maria Clara Street ngunit bumangga sa railing hanggang mahulog sa creek.
Ayon sa ulat, pumutok ang gulong ng kotse kaya nawalan ng kontrol ang driver. (ALMAR DANGUILAN)