Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, sumambulat ang ‘di magandang pag-uugali

ni Maricris Valdez Nicasio

TIYAK na marami ang nanggigigil sa kakaibang ugaling ipinakikita ngayon ni Julia Montes. Akala ko’y mabait ito dahil mapagbigay itong kaibigan noon kina Coco Martin at Kim Chiu. ‘Yun pala’y itinatago ang tunay na ugali.

Pero bago mag-react ang avid fans ni Julia at bago magalit, ang aming panggigigil sa aktres ay dahil sa napaka-epektibong pagganap nito sa kanyang karakter bilang si Mona. Ibig sabihin, napaka-effective na Mona ni Julia. Kaya naman pala nagtataka kami noon kung bakit tinanggap niya ang pagiging supporting lang, samantalang nagbibida na siya ay ito pala ang dahilan. Napakaganda ng role niya sa master seryeng Ikaw Lamang ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN.

Bonggang-bongga ang pagiging selosang asawa ni Mona kay Samuel.

At dahil sa pagsiklab ng mas malaking sigalot sa pamilya nina Samuel (Coco), Franco (Jake Cuenca), Mona (Julia), at Isabelle (Kim Chiu), kapit na kapit ang buong sambayanan sa Ikaw Lamang.

Nanguna ang Ikaw Lamang sa most watched TV program. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Biyernes (Hunyo 6). Nakakuha ng national TV rating na 31.5% ang Ikaw Lamang na mahigit doble sa babang nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na Kambal Sirena na mayroon lamang (14.9%).

Samantala, tiyak na lalong tututukan ng TV viewers ang mas kapana-panabik na komprontasyon ng mga karakter sa Ikaw Lamang matapos madamay sa isang malaking aksidente si Franco. Magagawa ba ni Samuel na layuan si Isabelle sa gitna ng matinding pinagdaraanan dahil sa pagseselos ng asawa niyang si Mona? Mapapatawad pa ba ni Miranda (Cherie Gil) ang kanyang ama na si Maximo (Ronaldo Valdez) ngayong alam niya na ito ang tunay na nagdala ng panganib sa buhay ng kanyang asawa’t anak?

Huwag palampasin ang mas painit nang painit na eksena nina Coco, Kim, Julia, at Jake sa master teleseryeng Ikaw Lamang, pagkatapos ng Dyesebel sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ikaw Lamang” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …