Tuesday , November 5 2024

Angeles sex trade sa internet (Paging: IACAT)

NANG magsialis ang mga Amerikanong GI sa Clark Field sa Angeles, Pampanga noong 1991, inakala ko’ng nalibing na sa tone-toneladang ashfall ang masiglang sex trade sa lugar.

Ang pagbabago ng red light district ng Angeles na naging isang madilim na ghost town ng nangahulog na mga anghel—para sa marami nating kababayan—ay isang tagumpay na da-pat ipagdiwang para sa pinagpipitagan nating mga Pinay.

Pero sadya palang malalim ang pagkakatanim ng kalakalan ng laman sa lugar na ito dahil patuloy pala itong namamayagpag 23 taon matapos na “abandonahin” ng West ang siyudad.

Sa panahon ngayon, realidad pa rin ang mga sex tour at women-trafficking, inilalako sa isang home page sa Internet ng mismong mga lalaki na “little brown brothers” ang tawag sa atin.

Nagpapanggap na travel guide para sa mga turista, patuloy na bumibida ang Angeles sa cyberspace at napananatili ang popularidad nito sa pag-aalok ng pinakamalalaswang pantasya sa presyong can afford kahit ng nanlilimahid na mama sa kalsada.

Kilala bilang Fields Avenue Guide Page (http://www.fieldsavenue.info/directory.html), ang web page ay hindi lang advertisement ng mga prostitution den, girly bars at nakababaliw na webcam sex shows.

Nagbibigay din ito sa Net surfer ng detalyadong agenda para sa gabi ng “sexcapade” at may mga wais tips pa para siguruhing maisasagad ang pagtatampisaw sa kaligayahan nang hindi gumagastos ng malaki.

May briefing din ang parokyano sa mga terminong dapat na alam niya habang nagpapakaligaya sa Angeles gaya ng: bar fine, short time, lady’s (pero ‘ladies’ ang spelling sa home page) drink at iba pa.

Presyo ang pangumbinse sa mga sex tourist. Sa kakaunting halaga, solved na solved ang gabi ng manyakis na parokyano na katumbas ng isang buong linggo ng kumpletong bedroom workout.

May warning din sa lahat ng would-be sex adventurers sa Fields Avenue, na posible silang pagkaperahan ng mga middleman o masairan ng pera sa naglalakihang drinking bills kung magpapauto sila sa bar hostess na paulit-ulit na mag-o-order ng “ladies’ drinks.”

Sa kabuuan, ang web page, na target ang mga binata hindi lang sa Amerika kundi maging sa iba pang parte ng mundo, ay isang advertisement-advisory na nangangakong mag-e-enjoy ang kliyente, at magiging safe ito. Siyempre pa, sa pamamagitan ng mga nalagasan ng pakpak na anghel ng Pampanga.

Sa Facebook (https://www.facebook.com/media/set/?set=a.370972993021124.1073741831.366457070139383&type=3), mayroon ding kaparehong page na nagpo-promote sa Fields Avenue kumpleto sa litrato ng mga hubad na kabataang babae ng Angeles. Ang page ay pinangangasiwaan umano ng isang Viaggi Solo di Sesso.

Hindi dapat na kaawaan ang mga sex tour operator na responsable sa racket na ito, at gobyerno ang nasa posisyon para kumilos laban sa kanila. Magiging napakadali lang nito, dahil ang mga isyung gaya nito ang paboritong sawsawan ng mga pulitikong umaasinta ng panalo sa 2016.

Pero kung mangyayari nga, mabubusalan lang ang ipinangangalandakan sa mundong advertisement ng malupit na realidad na namama-yagpag sa Angeles.

Kung tunay ngang may matitino pa sa gob-yerno, ang dapat na prioridad nila ay ang tumbukin ang iniwan ng mga Amerikano 23 taon na ang nakararaan at magpatupad ng tunay na pagbabago. ‘Yung magbibigay ng lunas sa isang lungsod na napariwara na ang moralidad.

Kung hindi man, puwede tayong magkibit-balikat na lang sa kahihiyang ibinubuyangyang sa mundo ng mga web advertisement na ito, bagamat ang siste pa rin nito ay ang hindi natin maitatanggi at umaalingasaw na katotohanan.

Mahaba na ang dalawampu’t tatlong taon. Enough is enough.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *