Sunday , December 22 2024

RPT share ng barangay bakit pinakikialaman ng konseho ng Maynila?

00 Bulabugin JSY

DAHIL sa rami ng mga reklamong natatanggap natin hinggil sa real property tax (RPT) shares ng bawat barangay sa Maynila, minabuti nating kumunsulta sa ibang local government unit (LGU) officials kabilang na ang ilang mayors.

Bagama’t alam natin na ang RPT SHARE ay direktang pondo ng barangay at hindi na kailangan pakialaman ng Konseho e minabuti pa rin natin na kumunsulta.

Iisa lang po ang sinabi ng ilang Mayors at konsehal na kausap natin at LGU experts on local taxes – ang Barangay real property tax (RPT) shares ay bukod na buwis sa Internal Revenue Allotment (IRA).

Ang RPT shares ay mula sa real property taxes na dapat ay pinakikinabangan ng mga barangay na nakasasakop sa isang establisyemento.

Isang halimbawa, ang District I at District II ng Maynila na kinaroroonan ng maraming business establishments na wholesale and retail na karamihan ay pag-aari ng Chinoys.

Ang North Harbor at South Harbor ay nasa kahabaan ng Manila Bay na sakop ng District I at District II.

Ganoon din ang District V, kung saan naman matatagpuan ang malalaking mall, hotels at ang malalaki at sikat na unibersidad.

Mga ganyang uri ng establisyemento po ang nasasakupan ng Distrcit I, II & V.

Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit minamaniobra ng ilang Konsuhol ‘este Konsehal ng Maynila ang RPT.

Reklamo nga ni Chairman Jaime Adriano ng Barangay 719, Zone 78 sa District V, isang resolution lang ang ipinapasa ng Konseho bigla nang nagbabago ang hurisdiksiyon ng kanilang mga teritoryo kaya naman namamaniobra na ang kanilang RPT shares.

Sa Resolution 23 ng Konseho ng Maynila, ang RPT shares ng Barangay 719 at Barangay 721 ay biglang napunta sa barangay 720.

Habang ang RPT shares ng walong (8) barangay sa District 1,2 at 3 ng Maynila ay napunta lahat sa Barangay 128 Zone 20 Distrcit 1 sa ilalim ni Chairman Sigfried Hernane.

Ang isang kapuna-puna rito, lahat ng barangay na nawalan ng RPT shares ay kilalang malapit sa nakaraang administrasyon.

Ano ‘yan? Politika na naman!?

Tsk tsk tsk …

Hindi nangyari ‘yan sa administrasyon ni Mayor Lim.

Mula nang maupo ang bagong administrasyon sa Maynila ay wala tayong makitang positibo at wala tayong makitang OUTPUT.

Mukha kasing BUSY sila …

Aligagang-aligaga kung paano iimbwelta sa kanila ang mga pakinabang imbes ituon sa mamamayan.

Paalala lang: Ang buwis ay mula sa mamamayan kaya marapat lang ibalik sa mamamayan at hindi sa bulsa ng iilan!

NARIRIYAN KA PA BA SA DILG SEC. MAR ROXAS?

HINDI kasi natin maramdaman na mayroong Gabinete na nakaupo sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Mas nararamdaman natin ang kawalan ng PEACE & ORDER ngayon hindi lang sa Metro Manila kundi sa iba pang panig ng bansa.

Ang maya’t mayang pamamaslang ng mga riding in-tandem na kabilang sa mga biktima ay mga pulis, LGU officials at mga mamamahayag.

Ang bulto-bultong iba’t ibang klase ng ilegal na droga na grabe ang pagkalat sa Metro cities maging sa remote areas, holdap, karnap, robbery.

Malaganap na prostitusyon, pang-aabuso sa mga paslit at kabataan maging sa senior citizens…

Mga naglutangan na kotong cop at bagman sa mga ilegalista.

Ano ba talaga ang nagaganap sa ating PEACE & ORDER?!

May TIME ka pa bang ATUPAGIN ‘yan Secretary Mar Roxas?!

Pero mukhahg imposible raw na magka-TIME ka pa para riyan Sec. Mar Roxas … madalas ka kasing napagkikita na ang kasama mo ay si Nani Braganza – dating student leader, naging congressman, naging Mayor pero na-OLAT na gobernador ng Pangasinan.

Ngayon si Nani Braganza ay nangangarap maging political kingpin ‘wannabe’ at ang kanyang ini-eksperimento ay ang ‘maganit’ na political career ni Secretary Mar Roxas.

Naniniwala siguro si Nani Braganza na, “Ang busog ng maganit na pana ay babagsak sa unahan ng kanilang hanay.”

Hehehe …aabangan natin ‘yan …

Pero pansamantala, sir Nani Braganza, pagsabihan mo ‘yang ‘maganit’ mong bata … MAGTRABAHO MUNA SIYA!

Ang ambisyon ay natutupad kapag itinutulak ng mga resulta ng itong pinagtrabahuan.

‘Yun ‘yon ‘e!

1602 DOUBLE B & PERRY RUMARAGASA SA MAYNILA

NAGBALIK daw bilang ‘GL’ sa Maynila ang mga pulis bagman na may code name na DOBOL B as in BOY BATANG at si PERRY para solohin ang 1602 (VK at BOOKIES) sa proteksiyon ng dalawang police scalawag na sina alyas BER NABAROK at NOEL D CASH-TRO.

Kung hindi tayo nagkakamali ‘e nakalatag na ang viodeo karera, bookies at lotteng nina Double B at Perry.

Alam kaya ‘yan ni MPD Intel chief, P/Supt. Claire Cudal?!

Mukhang sa ibang intel nakatutok si Kernel Cudal kaya hindi napapansin na siya’y nabubukulan? (Kaya?)

Kernel Cudal maging matalas ka sa intelihensiya ‘este’ intelligence pala …sayang naman ang kampanya ni General Rolando Asuncion laban sa mga ilegal na sugal ‘di ba?

Kapa-kapa rin sa ulo kapag may time … baka may bukol ka na…

Aray?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *