Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manggang hinog at hipon sa dream

‘Lo po Señor,

Nanaginip po aq ng mangga hnog, taz dw ay may hipon daw nakahain, peo ayaw q dw kumain, pero in real life ay favorit q aman un shrimp, anu pu queya meaning ng pngnip q? tnx en wag na lng nio popost cp q..

To Anonymous,

Kapag nakakita ng mangga sa panaginip, ito ay sumisimbolo sa fertility, sexual desires, at lust. Alternatively, maaaring may kaugnayan din ito sa relasyon na dapat mo nang bitiwan upang makapag-move-on ka na. Ang panaginip mo ay nagsasaad din ng new hopes, growth, desires, knowledge, at life. Ito rin ay may kaugnayan sa strength, protection, at stability. Ikaw ay naka-focus at nagko-concentrate sa iyong pansariling development at individuation. Ang mga prutas ay nagpapakita rin ng growth, abundance at financial gain. Sa kabilang banda, ito ay maaaring nagpapaalala rin sa iyo na kailangang dagdagan ang sipag at tiyaga upang maabot mo ang iyong mithiin sa buhay. Maaari rin namang nagre-represent ang mga prutas, kung ito ay hinog na, ng fertility at conception.

Hinggil naman sa panaginip mo tungkol sa hipon, ito ay nagsa-suggests na ikaw ay nakadarama na overpowered and insignificant. Sa kabilang banda, nagsasaad din ang panaginip mo ng pagbabago sa ikabubuti para sa iyo, kung ikaw ay magiging masinop at tatahakin ang landas na matuwid. Ito ay may kaugnayan din sa abundance, love at wealth. Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga upang makamit ang mga bagay na labis na inaasam. Goodluck sa iyo and God bless.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …