DITO naman tayo bilib kay Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 manager, Engr. Octavio “Bing” Lina, hindi natin kailangan magdalawang salita o maging sirang plaka sa ating kolum para bigyan-pansin ang inirereklamo ng mga kababayan natin na nabibiktima ng mga walanghiyang transport ‘syndicate’ na nakatambay sa airport.
Unang reklamo na nga rito ‘yung mga abusadong taxi driver na nanloloko ng pasahero, either sinisingil nang sobra-sobra sa rate ‘yung pasahero o nangongontrata ng pasahero.
Ang siste, karamihan sa mga gumagawa nito ay mga taxi driver na hindi naman accredited sa NAIA. Kaya malakas ang loob nilang gumawa ng kabulastugan dahil walang mawawala sa kanila.
Kapag nakapanloko na sila ng pasahero, hindi muna sila bibiyahe sa gawi ng airport, mamasada muna sila sa malayo.
At kapag medyo malamig na, saka sila babalik sa area.
Para naman maiwasan na ang ganitong mga pangyayari, mahigpit na inatasan ni Engr. Bing Lina ang kanyang mga tauhan na maging mapagmatyag at kunin ang palatandaan ng mga abusadong taxi driver.
Ganoon din, inaksyonan ni Engr. Lina ang pang-aabuso at panggugulang ng ilang tulisan (thin guy at fat lady) sa pilahan ng transport sa NAIA T3.
Mabuti na lang at inaaksyonan agad ni Engr. Bing Lina ang ganitong mga problema para maiwasan nang magkapatong – patong ito sa hinaharap at baka lalong sumakit ang ulo niya.
Mabuhay ka, NAIA T3 manager, Engr. Bing ‘AKSYON’ Lina!
Sana’y dumami pa ang lahi mo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com