Sunday , December 22 2024

“Mi Ultimo Adios” ni Sen. Bong Revilla sablay na, salto pa!

00 Bulabugin JSY

KAKA-AMAZE talaga si AMAZING KAP.

Nag-privilege speech sa Senado pero hindi na makakuha ng simpatiya. Lumalabas na parang ini-insulto pa ang taumbayan sa mga pinagsasabi niya.

Kung sino-sino ang sinisisi sa kaso nya ‘e sino ba ang gumawa niyan!?

Kung inosente siya sa PDAF scam ‘e bakit siya ang number one sa pinakaraming kuwarta na nadambong sa pork barrel niya!?

Ewan ba naman kasi kung bakit pinaiiral lagi ang ganyang style.

Kunsabagay, mula nang mapasok ng mga artista ang Senado ‘e mukhang iisang mundo na lang ngayon ‘yan.

Kumbaga, wala nang ipinag-iba.

In fairness naman sa ibang artista na pumasok sa politika, mayroon din naman na naging seryoso sa kanilang panunungkulan lalo na sa local level.

‘E sa totoo lang, akala natin ‘e magre-RESIGN siya kaya nag-privilege speech … hehehe … gusto lang palang mag-emote at kumanta.

By the way, Senator Bong, bakit nga pala wala si Senator Ramon Revilla, Sr.?

Sayang naman, sana ‘e complete cast na kayo kahapon sa senado…

Sige …aabangan na lang naman namin ang opisyal na pagkokosa ninyo nina ex-presidents Erap, GMA, JPE, Jinggoy and Janet Lim Napoles …

May mensahe nga pala ang mga pinagdambungan ninyo … GOOD RIDDANCE raw!

NAIA TERMINAL 3 MANAGER ENGR. OCTAVIO “BING” LINA AGAD UMAKSIYON VS ‘SINDIKATO’ SA TRANSPORT

DITO naman tayo bilib kay Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 manager, Engr. Octavio “Bing” Lina, hindi natin kailangan magdalawang salita o maging sirang plaka sa ating kolum para bigyan-pansin ang inirereklamo ng mga kababayan natin na nabibiktima ng mga walanghiyang transport ‘syndicate’ na nakatambay sa airport.

Unang reklamo na nga rito ‘yung mga abusadong taxi driver na nanloloko ng pasahero, either sinisingil nang sobra-sobra sa rate ‘yung pasahero o nangongontrata ng pasahero.

Ang siste, karamihan sa mga gumagawa nito ay mga taxi driver na hindi naman accredited sa NAIA. Kaya malakas ang loob nilang gumawa ng kabulastugan dahil walang mawawala sa kanila.

Kapag nakapanloko na sila ng pasahero, hindi muna sila bibiyahe sa gawi ng airport, mamasada muna sila sa malayo.

At kapag medyo malamig na, saka sila babalik sa area.

Para naman maiwasan na ang ganitong mga pangyayari, mahigpit na inatasan ni Engr. Bing Lina ang kanyang mga tauhan na maging mapagmatyag at kunin ang palatandaan ng mga abusadong taxi driver.

Ganoon din, inaksyonan ni Engr. Lina ang pang-aabuso at panggugulang ng ilang tulisan (thin guy at fat lady) sa pilahan ng transport sa NAIA T3.

Mabuti na lang at inaaksyonan agad ni Engr. Bing Lina ang ganitong mga problema para maiwasan nang   magkapatong – patong ito sa hinaharap at baka lalong sumakit ang ulo niya.

Mabuhay ka, NAIA T3 manager, Engr. Bing ‘AKSYON’ Lina!

Sana’y dumami pa ang lahi mo!

ALYADO POSIBLE NGA BANG PALAYAIN NI VP BINAY SA 2016?!

MASYADONG ‘magaling’ maglahad ng kanyang espekulasyon si Senador Alan Peter Cayetano.

Si Senator Alan na kamakailan lang ay nagsabi na nakahanda siyang tumakbong presidente sa 2016 ay nagsasabi ngayon na makulong man sina Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Janet Lim Napoles ay posible naman silang pawalan o ipardon agad ni Vice President Jojo Binay kapag nagwagi siya sa 2016.

Ito ba ay isang campaign strategy ni Senator Alan?

Kung ito man ay isang campaign strategy … in bad taste ‘ata ang style na ganito.

Parang Amateur, hindi bagay sa isang pro na gaya ni Senator Alan.

In short, kung ganito ang style ni Sen. Alan, it’s very unlikely for a man who wants to become a president or VP.

Sino ba ang mga tagasulsol ‘este tagapayo ni Sen. Alan at mukhang kapos sa pagpapayo at pagbibigay ng magagandang punto?!

Senator Alan Sir, be a gentleman.

Hitting directly against your opponent is not a wise fight.

Think it over … and be wise.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *