Thursday , January 2 2025

Ano ang labor export? (Part 2)

ANG pinakamagandang halimbawa ng palpak pero magaganda ang layunin na polisiya ng gobyerno ay sa kaso ng ating mga domestic helper (DH).

Mahigit anim na taon na ang nakaraan nang itinaas ng gobyerno, sa pamamagitan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ang minimum salary across the board sa US$400 o 100 porsiyentong pagtaas mula sa dating US$200. Naging magandang propaganda ito. Sino ang aayaw sa dagdag-suweldo?

Pero hindi sinuportahan ng merkado ang dagdag-suweldo. Kahit noong umiiral pa ang official rate na US$200 ay nagkakaproblema na ang gobyerno na tanggapin ng merkado ang nasabing pasuweldo.

Sa katunayan, inaksiyonan ito ng gobyerno nang tinangka ng Department of Labor and Employment (DoLE), na noon ay pinamumunuan ni Secretary Patricia Sto. Tomas, na makibagay sa merkado nang ibaba ng POEA sa US$150 ang minimum wage para sa mga Pinoy DH sa Saudi Arabia. Nagkaroon din ng special program sa pagpapadala ng mga DH sa Kuwait na susuweldo nang mas mababa sa regular rates para mabigyan ng trabaho ang mga Pilipino sa Mindanao, lalo na ang nagsisibalik mula sa Malaysia.

Bagamat hindi na ito ipinagpatuloy, ang punto ay ito: dahil sa pagtatakda ng sahod nang hindi ikinokonsidera ang realidad ng merkado, mistulang itinulak sa mas maraming paglabag ang mga hirap na hirap na ngang agency. Ito ay bukod pa sa ipinagbabawal sa mga lisensiyadong ahensiya na maningil ng placement fees mula sa mga DH. Sa katunayan, sinasagot na ng maraming agency ang iba pang gastusin gaya ng pag-aasikaso ng passport at pagpapa-medical.

Batid naman ng gobyerno na ang polisiya nito ay magreresulta sa kabi-kabilang paglabag. Ang matindi ay hindi man lang nito tinangkang makipag-usap sa mga host government upang tanggapin ang nasabing patakaran sa pasuweldo. Ipinaubaya na lang nito sa pribadong sektor ang responsibilidad sa wage-policy implementation.

Sigurado akong kaya ng gobyerno na maglabas ng listahan ng mga meeting at konsultasyon upang patunayan na ginawa naman nila ang kanilang parte pero ang kawalan ng resulta ang pinakamahusay na patunay sa kinahinatnan ng pagsisikap na ito.

Minsan pa, gaya ng sinabi ko sa aking kolum noong Martes, napagpapalit yata ng POEA ang outputs sa outcomes. Malinaw namang gusto ng gobyerno na pigilan ang pagtungo ng mga DH sa ibang bansa sa pagpatay sa industriya sa pamamagitan ng kunwaring mga dagdag-benepisyo. Kung susuriin ang resulta ng trabaho ng POEA, biglaang dumami ang nasuspinde at nabawian ng mga lisensiya ngunit hindi naman nito masabi kung naisakatuparan ba ang target mangyari.

Hindi naman sinasabing walang pang-aabuso sa panig ng mga lisensiyadong agency. Meron siyempre! At karamihan ay dapat lang mawalan ng lisensiya.

Kahit ano pa ang sabihin, nananatiling talamak ang illegal recruitment. Kaya naman kahit anim na taon pa ang lumipas ay bigo pa rin ang POEA na masigurong tumatalima ang lahat sa mas mataas na pasuweldo.

Para maging patas, hindi tamang isisi ang lahat sa POEA at sa DoLE na labis namang nape-pressure sa paghahanap ng mapagbabalingan ng sisi para hindi nila masolo ang pagkakamali.

Kailangan pa bang i-discourage ang mga DH sa pagtungo sa ibang bansa kung mayroon namang mas maayos o katulad na trabaho rito sa ‘Pinas? Kaya babalik tayo sa ugat ng isyu—sapat na trabaho sa ating pinakamamahal na bayang sinilangan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

MMFF50 Topakk Uninvited

‘Uninvited’ at ‘Topakk’, parehong must-watch-movies sa MMFF50

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPANOOD namin pareho ang mga pelikulang ‘Uninvited’ at ‘Topakk’ last …

Aga Muhlach Uninvited

Aga mapapamura ka sa galing

RATED Rni Rommel Gonzales NAIMBITAHAN kami ng Mentorque Productions, thru colleague Reggee Bonoan sa block screening for the …

Arjo Atayde Aga Muhlach Dennis Trillo Piolo Pascual

Arjo maile-level na kina Aga, Dennis, at Piolo

RATED Rni Rommel Gonzales BATANG paslit pa lamang si Arjo Atayde ay kilala na namin siya at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *