President Benigno Aquino III recently signed Executive Order 168 creating an inter-agency task force to prevent the spreading of emerging infectious diseases (EID) in order to prevent public health emergencies.
Ang task force na pamumunuan ng Department of Health (DoH) ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs, Department of Interior and Local Government, Department of Justice, Department of Labor and Employment, Department of Tourism, at Department of Transportation and Communications.
Ang mandato ng task force is to carry out public education on prevention and control of emerging infectious diseases.
Sa pahayag ni Executive Secretary Paquito Diaz ‘este’ Ochoa, nakasaad sa kautusan ng task force ang magtatag ng sistema na kilalanin, salain at asistihan ang mga Pinoy na pinaniniwalaang nagtataglay o kompirmadong may EID.
Ang tanong: Kaya bang pigilan ng task force ang ‘nagbabagang’ init na dumadarang sa bawat Filipino sa larangan ng kamunduhan at kaya ba ng task force na pigilan ang mga Pinoy na makipagsapalaran sa ibayong dagat para kumita nang maayos para sa kanyang pamilya kahit na sabihin pang may EID sa lugar na kanyang pupuntahan?
Sa pagsasaliksik na isinagawa ng isang independent body, sa naghihikahos na bansang tulad ng Pilipinas, ang pakikipagniig ay mabisang paraan para makalimot sa mga kahirapang pinagdaraanan ng isang indibidwal.
Kitang-kita ito sa depressed areas na animo’y may pabrika ng mga bata.
Mapipigilan ba nito ang masidhing damdamin ng Pinoy na makapangibang bayan alang-alang sa kanilang pamilyang naghihikahos sa kalagayan ng bansang sinilangan?
Hindi na nila maiisip kung may EID o may nakahahawang sakit sa bansang pupuntahan nila basta ang mahalaga ay makalasap ang pamilya nila ng ginhawa sa buhay na talagang napakailap makamit sa Pilipinas lalo na sa panahon ngayon.
Kahit na anong uri pa ng EID tulad ng kilabot na Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV), Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), meninggococcemia, leptospirosis at antimicrobial resistant tuberculoses ay ‘di uurungan ng Pinoy basta para sa kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.
‘O ‘di ba?
Mas maganda siguro kung unahin ni PNoy at Ochoa ang magtatag ng task force laban sa kahirapan at paginhawain ang mahihirap nating kababayan bago ang pagsugpo sa malalalang sakit.
May mas malalang sakit pa ba sa kahirapan!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com