Friday , January 10 2025

Finance Secretary Cesar Purisima lilipat na kay Binay?!

00 Bulabugin JSY

MUKHANG may bagong style ang HYATT 10.

‘Yung Hayop ‘este’ Hyatt 10 po, sila ‘yung mga dating Gabinete ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na biglang kumalas sa kanya, kabilang na nga riyan sina Finance Secretary Cesar Purisima, Budget Secretary Butch Abad, DSWD Sec. Dinky Soliman at Anti-Poverty Commissioner and Peace Talk adviser Ging Deles.

Ngayon naman, ang style ‘e magre-RESIGN daw si Purisima para makatawid sa kampo ni VP Jejomar Binay na matunog na matunog na tatakbo sa 2016 bilang poll bearer ng kanyang partido.

Lilipat umano si Purisima sa kampo ni Binay para maging fund raiser sa kanyang kampanya sa 2016.

Pero ayon sa ilang insider, under pressure raw si Purisima sa mga KKK at Kamaganak Inc., na sige ang ‘awit’ sa kanya para makapag-fund raising sa kanyang ‘teritoryo.’

Hintayin pa natin ang mga susunod na eskandalo sa Aquino administration … t’yak na t’yak HYATT 10 ang unang kakalas.

Umalingasaw na ‘noon’ ang gimik ng HYATT 10 pero mukhang mabilis maka-REBANSE ang kanilang mga ‘kredebilidad.’

Ang masasabi lang natin, huwag tawaran ang kapasidad ng HYATT 10.

Mukha silang ‘rust proofing.’ Naitatago nila ang ‘kalawang’ sa isang bakal, pero kapag kumupas na, sila pala ‘yung tunay na nagpapahina sa bakal.

Sa pagkalas ni Purisima sa administrasyong Aquino, asahan na natin ang ‘BALASAHAN.’

‘Di ba ES Jojo Ochoa?!

Reaction naman ng mga taga-Bureau of Customs sa balitang ito ay: GOOD RIDDANCE Mr. Secretary!

MR. BI “SLOT MACHINE” OFFICIAL STILL LIVING WITH HIS OLD HABITS

AKALA natin ‘e nagbago na nang tuluyan ang isang Bureau of Immigration (BI) official sa kanyang bisyong slot machine.

Pero hindi pa pala…mas lumala pa yata!?

Nagbago lang pala siya ng lugar. Kung dati, sa Pan Pacific Hotel siya nagpapakalulong sa SLOT ‘fafafa’ MACHINES, ngayon ‘e sa Parañaque City na siya dumarayo.

Sa Solaire Casino.

Magaling sa TIMING si gov’t official. Walang makakikita sa kanya kasi doon siya naglalaro sa loob ng VIP slot machine room.

Bukod pa d’yan, LATE NIGHT or EARLY DAWN na siya dumarating hanggang mag-umaga na ‘yun.

Kaya niyang magtagal nang ganyang oras kasi mukhang nakapagpahinga na muna siya sa kung saang ‘PUGAD’ man siya nanggaling.

May malaking dahilan din kaya obligado siyang pumunta at maglaro ng silat ‘este’ slot machine sa Solaire Casino na ating tatalakayin sa susunod nating kolum.

Bilib din tayo kay Immigration official kasi parang hindi nauubusan ng ‘panlaro’ sa SLOT MACHINE.

Kung magpatalo siya gabi-gabi ay mahina ang P100,000.

Ibang klase ‘di ba?!

Mukhang high maintenance talaga ang lifestyle ni BI official.Mantakin ninyong nakapagmamantina ng luxury life para sa kanyang pamilya …

Meron pang Apartment No. 9 si Mr. BI Official.

Pero ang higit nating gustong malaman at mas interesado tayo ‘e kung paano nakapagmamantina nang ganyang ‘LIFESTYLE’ si Mr. Gov’t Official?!

Kumikita ba siya nang milyon-milyon kada araw?!

Paki-esplika nga po SOJ LEILA DE LIMA, kung sino-sino ang mga opisyal ng gobyerno na kumikita ng milyones sa bawat araw?!

Baka hindi ninyo napapasadahan ang SALN at ITR nitong si Mr. BI Official sa Intramuros, Maynila.

Paki (LIFESTYLE) check na nga po, Madam Leila ‘yang Immigration Official na adik sa slot machine!.

TASK FORCE VS EID SAGOT SA PAGKALAT NG MALALANG SAKIT (Wala ba sa kahirapan?)

President Benigno Aquino III recently signed Executive Order 168 creating an inter-agency task force to prevent the spreading of emerging infectious diseases (EID) in order to prevent public health emergencies.

Ang task force na pamumunuan ng Department of Health (DoH) ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs, Department of Interior and Local Government, Department of Justice, Department of Labor and Employment, Department of Tourism, at Department of Transportation and Communications.

Ang mandato ng task force is to carry out public education on prevention and control of emerging infectious diseases.

Sa pahayag ni Executive Secretary Paquito Diaz ‘este’ Ochoa, nakasaad sa kautusan ng task force ang magtatag ng sistema na kilalanin, salain at asistihan ang mga Pinoy na pinaniniwalaang nagtataglay o kompirmadong may EID.

Ang tanong: Kaya bang pigilan ng task force ang ‘nagbabagang’ init na dumadarang sa bawat Filipino sa larangan ng kamunduhan at kaya ba ng task force na pigilan ang mga Pinoy na makipagsapalaran sa ibayong dagat para kumita nang maayos para sa kanyang pamilya kahit na sabihin pang may EID sa lugar na kanyang pupuntahan?

Sa pagsasaliksik na isinagawa ng isang independent body, sa naghihikahos na bansang tulad ng Pilipinas, ang pakikipagniig ay mabisang paraan para makalimot sa mga kahirapang pinagdaraanan ng isang indibidwal.

Kitang-kita ito sa depressed areas na animo’y may pabrika ng mga bata.

Mapipigilan ba nito ang masidhing damdamin ng Pinoy na makapangibang bayan alang-alang sa kanilang pamilyang naghihikahos sa kalagayan ng bansang sinilangan?

Hindi na nila maiisip kung may EID o may nakahahawang sakit sa bansang pupuntahan nila basta ang mahalaga ay makalasap ang pamilya nila ng ginhawa sa buhay na talagang napakailap makamit sa Pilipinas lalo na sa panahon ngayon.

Kahit na anong uri pa ng EID tulad ng kilabot na Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV), Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), meninggococcemia, leptospirosis at antimicrobial resistant tuberculoses ay ‘di uurungan ng Pinoy basta para sa kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.

‘O ‘di ba?

Mas maganda siguro kung unahin ni PNoy at Ochoa ang magtatag ng task force laban sa kahirapan at paginhawain ang mahihirap nating kababayan bago ang pagsugpo sa malalalang sakit.

May mas malalang sakit pa ba sa kahirapan!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *