ni Maricris Valdez Nicasio
HINDI mapapantayang sarap ng pagmamahal ng pamilya ang ipararamdam ng Kapamilya child stars na sina Andrea Brillantes at Raikko Mateo ngayong Linggo (Hunyo 8) sa pagtatapos ng Wansapanataym special nilang My Guardian Angel.
Sa pagdakip ng isang sindikato kay Ylia (Andrea), gagawin ng guardian angel na si Kiko (Raikko) ang lahat upang mailigtas siya. Paano mapoprotektahan ni Kiko si Ylia kung wala na ang kanyang super powers? Makababalik na ba si Kiko sa langit sa oras na isakripisyo niya ang sarili para kay Ylia? Sa huli, mararamdaman na ba ni Ylia ang matagal na niyang inaasam na pagmamahal ng kanyang mga magulang?
Tampok din sa My Guardian Angel sina Mylene Dizon, Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, Jovic Susim, at Vangie Martell. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Jon “Sponky” Villarin.
Huwag palampasin ang ‘heavenly ending’ ng Wansapanataym special nina Andrea at Raikko ngayong Linggo, 6:45 p.m., bago mag-The Voice Kids sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.