LONG overdue na ang pagpapatawag ng Senado kay Philippine Olympic Commission (POC) Chairman Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr., at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia para raw mabusisi kung ano na ang kalagayan ngayon ng Philippine Sports.
Matagal na itong inaasam ng mga kababayan natin tunay na sports aficionado dahil matagal na umanong nawindang ang kalagayan ng sports natin.
Tayo ay naging perennial na talunan sa iba’t ibang sports event sa buong mundo.
Kung dati ay mayroon tayong naiuuwing mga gintong medalya, ngayon kahit paracale ‘e hirap na hirap pa ang mga athletes natin.
Sana ay magkaalaman na rin talaga kung saan napupunta ang milyon-milyong pondo para sa sports.
Sen. Juan Edgardo Angara, SASALUDO ako sa iyo kapag naukilkil mo ang ‘Lihim ng Guadalupe’ sa Philippine sports.
Kung nagagamit ba nang maayos ang pondo ng PSC sa atletang Pinoy o sa bulsa lang ng ilang tulisang opisyal ng National Sports Association?!
Aabangan namin ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com