PATAY na nang makita ng kanyang kabaro, ang 49-anyos mason, hinalang inatake sa puso sa loob ng barracks sa pinagtatrabahuhang konstruksiyon sa Sampaloc, Maynila iniulat kahapon
Ayon kay SPO1 Rommel del Rosario, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, may anim oras nang patay ang biktimang si Samuel Rico Cubacub, ng 622 Cavo F. Sanchez , Mandaluyong City, bago natuklasan ng kasamahang si Armando Mallari,39.
Huling nakitang buhay ang biktima na nagrerekla-mong nahihilo bago pumasok sa barracks at hindi na lu-mabas dakong 10:30 a.m.
“Yong kasama niya pumasok ng barracks para magbihis, nakita ‘yong biktima na nakatihaya nilapitan at gigisingin sana kaso nakita hindi na kumikilos at malamig kaya tinawag ‘yong isa nilang kasamahan at ini-report sa barangay,” ani del Rosario.
Dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.
(leonard basilio)