WALONG buwan mula ngayon – magreretiro na ang dalawang Commissioner sa Commission on Elections (Comelec) kabilang na si Chairman Sixtong ‘este’ Sixto Brillantes.
At pagkatapos nilang magretiro, 15-buwan na lang ay gaganapin na ang 2016 Presidential election.
‘Yang dalawang panahon na binabanggit natin ay gusto nating malaman kung may kinalaman kaya sa kagustuhan ng Comelec ngayon na bumili ng P18 bilyones na bagong counting machines?!
Sonabagan!!!
Dalawang election lang natin nagamit ‘yang bilyon halagang hocus PCOS machine e papalitan na naman!?
S’yempre, may kinalaman talaga ‘yan sa 2016 presidential election.
Pero may kaugnayan din kaya ‘yang P18-bilyones counting machines sa pagreretiro nina Chairman Brillantes at commissioners Elias Yusoph at Lucenito Tagle?!
Ayon kay Comelec Chairman sixtong este Sixto Brillantes, inihain na niya sa House committee on Suffrage and Electoral Reforms na ang P10 bilyon ay para sa Optical Mark Reader (OMR) counting machine hardware habang ang natitirang P8 bilyon ay gagamitin para sa ibang paraphernalia at software.
Sabi ni Chairman six-tong este Sixto, kailangan na umano nating bumili ng bagong counting machines dahil hindi na raw sigurado kung 100 percent pang makapagde-deliver ng accuracy ang luma nating Precinct Count Optical Scan (PCOS) na ngayon ay nakatambak sa isang air-conditioned warehouse.
Ang nasabing air-conditioned warehouse ay inuupahan natin ng P1-milyon kada buwan.
Ang balita natin ay mukhang magtatagumpay naman si Chairman Brillantes sa pambobola kay Capiz Rep. Fredenil Castro, ang chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms.
‘Yan na nga ba ang sinasabi natin.
Malapit nang magretiro ang tatlong kamote ‘este’ opisyal ‘e sila pa ang makikipagsara ng usapan para sa bibilhing P18 bilyones counting machines at sila rin ang magpapasa ng teknolohiya sa maiiwan nila para sa 2016 presidential election.
Bakit hindi na lang magbuo ng isang committee si Chairman six-tong este Sixto para siyang mamahala d’yan. Kumbaga isang turn-over committee.
Nang sa gayon, magretiro man sila ‘e tuloy-tuloy ang trabaho ng Comelec para sa 2016.
Tsk tsk tsk …
Gusto tuloy nating maniwala na plantsado na ang pabaon kapag naaprubahan ang P18-bilyones counting machines.
Kita-kits na naman ‘yan notoryus na “3-million division” ng Comelec!
‘E ang papalit at susunod na Chairman at dagdag na election commissioner?
BUKOL!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com