Wednesday , November 6 2024

Haiyan housing ng Lions Club

NAKAPANLULUMO ang balita tungkol sa isang ina at anim niyang anak na nagawang makaligtas sa ala-tsunami na storm surges, baha at ulan na dulot ng bagyong ‘Yolanda’ (Haiyan), pero namatay sa sunog sa isang temporary government shelter sa Tacloban noong Mayo 28.

Himbing na natutulog ang pamilya nang magsimula ang sunog mula sa isang ga-sera at agad na nilamon ng apoy ang kanilang canvas tent, isa sa 40 sa tinatawag na “tent city.”

Ikinagalit ng publiko ang trahedyang ito dahil nabigyang-diin ang usad-pagong na resettlement para sa libo-libong survivors, magpipitong buwan makaraang manalasa ang Haiyan.

Dahil dito, naiintindihan na siguro ng gobyerno at ng aid workers na delikadong masunog ang mga tent at dapat nang apurahin ang pagkakaloob sa mga survivor ng permanenteng pabahay. Napaulat na nasa 4,000 katao pa rin ang tumutuloy sa mga tent.

***

Determinado ang Lions Club in the Philippines, o Lions Clubs International (LCI) Multiple District 301, na magpatayo ng paunang 50 bahay sa 1.3-ektaryang lote sa Barangay Kawa-yan, Tacloban City. Ang lupa, na tatawaging “Lions Village,” ay alokasyon ng pamahalaang lungsod.

Ayon kay dating District Governor Valentine Tio, co-treasurer ng Haiyan Committee ng Lions, kung ang 50 bahay ay “turned over smoothly,” maglalaan ng pondo para sa karagdagang 150 unit.

Ang bawat bahay ay may sukat na 36 square meters at floor area na 22 sqm. Ang budget para sa bawat unit ay P200,000. Ang katuwang na local government unit (LGU) ang res-ponsable sa site development, kabilang ang mga utility at kanal, gayondin sa community center development, tulad ng mga eskuwelahan at health centers.

Bukod dito, committed din ang Lions Club na magpatayo ng karagdagang 20 housing unit sa munisipalidad ng San Isidro sa Leyte. Ang munisipalidad ay adopted town na ngayon ng LCI MD 301.

Sa memorandum of understanding na pinirmahan kamakailan ni Mayor Susan Ang at ni MD301 Council Chairperson Em Ang, magtatayo rin ang Lions ng gusaling may tatlong classroom para sa central elementary school ng San Isidro.

Nag-deliver na rin ang Lions ng 70 jerrycan (20-liter container na ginagamit na water filtration system) sa lungsod. Magdo-donate rin ito ng school supplies para magamit ng 7,000 estud-yante sa elementarya at high school sa munisipalidad.

Kapuri-puri ang mga proyektong ito. Umaasa ako na sa kaso ng Haiyan housing ay maisasakatuparan ng Lions ang pangako sa loob ng isang taon, mas mauuna pa sa sariling programa ng gobyerno.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *