KASONG maliscious mischief, alarm and scandal at pag-iingat ng drug paraphernalia ang kinakaharap ng comedian/singer nang magwala sa loob ng isang apartelle sa Quezon City kamakalawa.
Ayon kay Quezon City Police District Public Information Office (QCPD-PIO) Sr. Insp. Maricar Taqueban, kinilala ang suspek na si Joey Amoto mas kilala bilang si Blakdyak, 44-anyos.
Nabatid sa ulat, inaresto si Blakdyak sa loob ng Tiza Apartelle nasa Imperial St.,Cubao, dakong 6:00 a.m.
Sinasabing nag-ugat ang pagwawala ni Blakdyak nang sitahin siya ng staff ng apartelle dahil sa paghahanap sa kanyang girlfriend.
Napag-alamang walang paalam na pumasok si Blakdyak at hindi dumaan sa front desk kaya’t siya’y sinita.
Sa pagwawala ni Blakdyak, nasira ang mga gamit sa apartelle kaya humingi ng tulong sa pulisya ang establisyemento, dahilan para maaresto ang komedyante.
(JETHRO SINOCRUZ)