Tuesday , December 24 2024

Tirador ng mrs ng OFWs dedo sa ratrat

060314_FRONT

PATAY ang 22-anyos negosyante na tirador ng mga misis ng overseas Filipino worlers (OFWs), nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Kenneth Tatad, ng Phase 7-B, Phase 3, Block 87, Lot 12, Brgy. 176, Bagong Silang, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo.

Tugis ang suspek na may katabaan, malaki ang tiyan, may taas na 5’3, nakasuot ng asul na helmet at naka-six pocket walking shorts, mabilis na tumakas sakay ng motorsiklong nakaabang ‘di kalayuan sa lugar.

Sa ulat ni PO3 Renen Malonzo, naganap ang pamamaslang sa loob ng Clothes Boutique, pag-aari ng biktima, nasa Phase 2, Package 1, dakong 2:20 p.m.

Sa police report, kasama ng biktima ang live-in niyang si May Ann Golo at kapatid na si Lea, nang pumasok ang hindi nakilalang suspek  saka pinagbabaril si Tatad sa ulo.

Salaysay ng ilang kakilala ng biktima, playboy  si Tatad, bukod sa live-in niyang si May Ann Golo,  may dalawa pang dyowa ang biktima na itinago sa pangalang  a.k.a. 35 at Mrs. X, pawang asawa ng OFW.

Nabatid, isa sa mga misis na karelasyon ni Tatad ang nagbanta na kapag kinalasan ng biktima ay magpapakamatay, habang isa ang nabisto  ng mister na ina-alam ng pulisya kung may kaugnayan sa pamamasalang.

Sa isang follow-up operation, lumutang ang nagpakilalang “Barbara Perez” a.k.a. 35, sinabing kakilala niya ang biktima at itinanggi ang sinasabing relasyon niya kay Tatad.

ni rommel sales

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *