Thursday , October 31 2024

Open smuggling ng bigas

SA BUREAU of Customs ibinibilang na rin pala sa kasalukuyang administration na “solid accomplishment” ang tinatawg na “open smuggling” ng limpak-limpak na mga bigas na ipinasok sa bansa na walang Import Permit (IP). Ito ay sinasabi ng Department of Agriculture na “smuggling” sa interpretation ni DA Secretary Proceso Alcala. Ito ay ayon sa dictionary ni Alcala, ilan sa mga cabinet secretary ni PNoy na isinasagkot sa rice smuggling at maging sa multi-billion PDAF pork barrel.

Bakit ang hindi, samantala, halos sa mga ahensya sa ilalim ng DA ang mga sumabit na opisyales at maraming senador at congressman. Dahil sa interpretation ng DA under Alcala, ang pagpaparating ng walang IP na mga trader ay isang uri ng smuggling (talaga?) kahit ito ay naka-open.

Mayroon palang dictionary si Alcala na isang uri ng smuggling ang “open smuggling.”

Dahil nga sa interpretation na ito, biglang nagkaroon ng accomplishent ang customs sa ilaim ni Commissioner John Sevilla, isang technocrat. Hindi lang natin alam na isang solid accomplishment ang open smuggling ng maraming bias na kine-claim naman n mga importer at properly declared as RICE SHIPMENT.

Kasama ang open smuggled rice sa P2.4 billion accomplishment ng customs batay sa 2013 Accomplishment Report ng Bureau. Kung natatandaan natin, si dating Commissioner Parayno, siya lang ang may shipment na product ng outright smuggling, at mga product na misdeclared ang ibinibilang sa mga solid accomplishment .

Karamihan naman sa mga na-seizure na rice importation mula Vietnam at Thailand ay mga deklarado bilang bigas, pero, para kay Alcala ito ay mga puslit. Bakit daw? Dahil, subalit, datapwat ang mga bigas ay walang IP. Karamihan tuloy ng mga kasong ito ay nasa korte na isinampa laban sa DA officials at mga taga-Bureau.

Ang dali lang malaman kung may IP o wala ang kargamento. Kapag wala, seizure base ito sa interpretation ni Alcala. S’yempre, back-up siya ng Malacañang kaya naman ang lakas ng kanyang loob na ipahuli kahit pa bayad ng buwis tulad ng 40 percent na taripa at iba.

Para naman sa customs, magandang accomplishment ito. Isipin mo na may open smuggling pala sa customs. Ang isang malaking rason kung bakit nag-aawat ang importer ng mga confiscated na rice ng DA at ng customs, sa hindi pagpayag ni Acala sa June 30 Word Trade Organization (WTO) resolution na inaalis na ang ban sa importation ng bigas na walang IP.

Pero dahil sa kakulitan ni Alcala, humingi siya ng motion for reconsideration sa WTO na tila hindi pa binibigyan ng aksyon ng nasabing organization. Pero tuloy pa rin si Alcala sa kanyang ipiniplit na dapat may IP ang mga importer na galing sa kanya. Kung wala timbog ang mga pobreng trader. Hindi naman binibilang ni Alcala na suspect sila sa 0pen smuggling. Kung pinayagan lang ni Alcala na papasukin ang mga bigas at iniutos sa mga importer na bayaran ang 50 percent na taripa at VAT marahil ang laki-laki ng revenue collection ni Commissioner Sevilla.

Umusbong tuloy ang hinala ng mga importer na gusto lang masokote ng DA ang rice importation na tanging sila lang ang mag-iisyu ng IP. Ang laki-laki ng sipa nito, sipang kabayo o kickback. Hayun dahil nakatenga ang karamihan ng nasabing bigas sa korte, nagkakabulok na tuloy. Perishable ang bigas, bakit hinayaang tumagal ang mga kaso sa korte. Hindi ba isang paglustay ito sa pera ng bayan? Hindi pa rin nagbabago ang posisyon ni Alcala.

Bakit hindi mo na lang bigyan ng attention ang mga eskandalong nagputukan sa iyong mga ahensiya dahil sa pork barrel?

Arnold Atadero

About Arnold Atadero

Check Also

Magic Voyz

Magic Voyz ‘di lang sa looks angat (Mahusay ding kumanta at sumayaw)  

MATABILni John Fontanilla GUWAPO at mahusay umawit ang walong miyembro ng uprising boyband sa bansa …

Francine Diaz Malou de Guzman 2

Malou de Guzman proud makasama si Francine Diaz sa advocacy film na ‘Silay’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG pelikulang Silay ay isang advocacy film na nagpapakita kung …

Apple Dy Aya Topacio Stephanie Raz Ghion Espinosa Bobby Bonifacio

Apple hanggang may project at offer maghuhubad— Pero siyempre gusto ko ring gumawa ng mainstream movies

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “MARUNONG kaming magmahal.” Ito ang tinuran ni direk Aya Topacio ukol sa inspirasyon …

Francine Diaz Malou de Guzman

Francine ‘wa ker kahit ‘di bida sa pelikula

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPURI-PURI ang pagtanggap ni Francine Diaz sa advocacy film na Silay na pinagbibidahan ni Malou …

Yul Servo Joel Chua

VM Yul kompiyansa at buo ang suporta kay Cong Chua!

TAHASANG inihayag ni Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto ang kanyang buong pagsuporta sa muling …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *