Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Notorious casino financier sandamakmak ang police bodyguards (Attn: SILG Mar Roxas)

00 Bulabugin JSY
ISANG tinaguriang notoryus na Casino financier d’yan sa Pasay City ang kapansin-pansin sa publiko dahil sa kanyang sandamakmak na bodyguards.

Ayon sa ating mga impormante, karamihan ng bodyguards ni alias JOSEPH ANG, ang Casino financier sa Resorts World na hinabol ng saksak dahil umano sa onsehan ng isang player na Chinese national na sabit sa ilegal na droga, ay aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Isa na nga riyan ang isang pulis na alias BISPERAS na dating nakatalaga sa Eastern Police District (EPD) na grabe ang kahangutan sa katawan.

Kung dati ay tatahi-tahimik at susukot-sukot lang si Joseph Ang d’yan sa Resorts World Casino, ngayon, para na siyang “KING OF CASINO” dahil sa sandamakmak na bodyguards.

Ano na ba ang nangyayari sa Police Security and Protection Group (PSPG) C/Supt. Manuel Felix?!

Hindi na talaga natin maintindihan kung sino ba talaga ang ‘BOSS’ ng mga public servant na pinasusuweldo ng Filipino taxpayers.

Sabi ni Pangulong Noynoy noong bagong upo siyang Pangulo ng bansa, “Kayo ang BOSS ko!”

Ibig sabihin, ito ang hudyat na UNA sa kanyang administrasyon ang sambayanan.

Pero habang lumalaon, ang slogan na “Kayo ang BOSS ko!” ay hindi naging replika sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Lalo na raw sa hanay ng iba’t ibang law enforcement units.

‘Yan ngang PSPG, ang pinoproteksiyonan mga dayuhang Chinese na sangkot sa mga notorious na aktibidad gaya nga ni Joseph Ang.

Ni hindi nga nagbabayad ng buwis ‘yan tarantadong Joseph Ang na ‘yan!

Ang katwiran ng ilang police official kaya raw hirap silang imantina ang peace and order ‘e dahil kulang ang mga pulis natin.

‘E bakit ‘yang si casino financer Joseph Ang, sandamakmak ang bodyguards na pulis?!

Gen. Felix, Sir, pwede bang busisiin ninyo ang sandamakmak na PNP bodyguards ni Joseph Ang na pinasusweldo ng sambayanan?!

Agrabyadong-agrabyado ang taong bayan sa sistemang ganyan!

REP. JOSELITO “JONJON” MENDOZA NG BULACAN PARANG HINIPANG LOBO ANG KAYAMANAN

GINULAT ni Bulacan representative Joselito “Jonjon” Mendoza ang kanyang constituents nang umabot sa 3,000 percent ang inilaki ng kanyang kayamanan batay sa isinumite niyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Noong 2012, nakalagay sa SALN ni Bulacan 3rd District representative Jonjon Mendoza na ang kanyang kabuuang net worth ay umabot lamang ng P850,000 (eight hundred fifty thousand pesos), wala pang isang milyong piso.

Sa kanyang 2013 SALN, umabot na sa P26,672,080 (twenty-six million, six hundred seventy-two and eighty thousand pesos) ang kanyang total net worth.

Kulang isang taon lang ‘e lumobo na nang 3,000 ulit ang kayamanan ni Jonjon?!

Tsk tsk tsk …

Hindi na tayo nagtataka kung bakit marami talaga ang gustong pumasok sa politika … mas bumibilis kasi ang kanilang pagyaman …he he he…

‘E how about si ATE JOSIE?

Ilang porsiyento kaya ang itinaas ng kanyang NET WORTH?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …