Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin, nagpa-thanksgiving dinner (Sa tagumpay ng Maybe This Time)

ni Maricris Valdez Nicasio
 

MINSAN na nating naisulat dito sa Hataw kung paano tumanaw ng utang na loob ang isang Coco Martin sa mga tumulong sa kanya. This time, muli niyang ipinakita ang magandang ugaling ito sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa mga cast and staff na nakatrabaho niya sa blockbuster movie nila ni Sarah Geronimo, ang Maybe This Time.

Isang thanksgiving dinner ang ibinigay ni Coco para sa kanila.

Si Coco kasi ang aktor na marunong lumingon sa pinanggalingan, kaya naman anumang tagumpay na nakakamit niya’y ibinabahagi niya ito sa mga nakasama niya sa hirap tungo sa tagumpay.

Kaya nga noong Sabado ng gabi pagkatapos ng tatlong matagumpay na block screenings sponsored by his fans, nakasama ni Coco ang staff ng MTT, Adprom staffs, at ilang cast members.

Dumating sa thanksgiving dinner ni Coco ang mga director na sina Jerry Sineneng, Olive Lamasan, producer Elma Medua gayundin sina Roxy Liquigan at Mico del Rosario ang kanilang AdProm staff.

Biglaan ang naturang thanksgiving dinner kaya naman tanging Dennis Padilla, Ogie Diaz, Zeppi Borromeo, Gabby dela Merced, at Tony Mabesa ang mga artista sa MTT ang nakarating.

At bukod sa thanksgiving dinner, nakita rin namin sa Instagram posts ng ilang staff ang flowers and gifts na ibinigay sa kanila ni Coco bilang pasasalamat sa pagtulong sa kanya para maging matagumpay ang kanilang pelikula ni Sarah.

Tunay na hahangaan mo ang isang Coco Martin dahil after each project, mapa-TV o movie, he makes it a point na balikan ang mga kasama at tumulong para pasalamatan.

Hindi ba naman, consistent si Coco sa ugali niyang ito?! No wonder he is blessed.

Sa kabilang banda, as of Saturday, May 31, kumita na ang Maybe This Time ng P60-M sa box office. Sa lakas ng daily box office gross ng MTT, inaasahang mag-P100-M na ito in the coming days.

Congrats sa bumubuo ng MTT lalo na kina Sarah at Ogie na napakalaki ng iniambag sa pelikula para maging balanse ito gayundin sa Star Cinema at Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …