Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ano ang labor export? (Part 1)

NAKALULUNGKOT isipin na ang ating gobyerno ay nag-iisa sa Asia na bahagi ng national policy ang labor export.

May mga push-and-pull factors na nakaaapekto sa large scale migration.

Sa push side, ang kawalan ng trabaho sa bansa ay nagreresulta sa unemployment at underemployment. Ang mga walang trabaho, o iyong naghahanap ng mapagkakakitaan pero hindi makasumpong o hindi kuwalipikado para sa mga job opening, ay wala nang mapagpipilian kundi ang mag-abroad.

Sa pull side, kahit na para sa mga may trabaho, ang overseas job ay karaniwan nang mas may malaking suweldo at mas magagandang oportunidad sa career development. Maraming propesyonal sa bansa ang sumasabak sa trabaho na mas mababa sa kanilang training at mga kwalipikasyon, at kadalasang choice nila ito.

Mayroon tayong mga lisensiyadong nurse na nagtatrabaho bilang caregivers at flight attendants, mga doktor na nagsisilbing nurses, mga dentistang nagiging dental assistants o hygienists, at mga arkitektong nauuwi sa pagiging draftsman. Mayroon din tayong mga nagtapos ng kolehiyo na nagtatrabahong domestic helper.

‘Di gaya ng mga hindi talaga makahanap ng trabaho, hindi sila pinipilit na gawin ito. Kadalasang highly skilled at highly employable sila. Para sa kanila, ang pagpunta sa ibang bansa ay usaping cost-benefit. Sila ang mga buhay na patunay sa kabiguan ng gobyerno na magbigay ng sapat at magandang oportunidad sa trabaho sa bansa.

Ang kakatwa rito, sa paghihigpit sa mga lehitimong agency sa pamamagitan ng mga regulasyong sumasakal sa kanila sa layuning protektahan ang mga manggagawa, sa huli ay mismong ang mga nagtatrabaho ang pinakanagdurusa sa paglalaho ng mga oportunidad at sa mga mabibiktima ng illegal recruiters, sa kawalan na rin ng proteksiyon.

Hindi ang mga recruitment agency ang lumilikha ng supply o demand ng mga trabaho sa ibang bansa.

Sa kanilang pagsisikap at pamumuhunan, nagsisilbi silang mga komadrona, hindi lumilikha ng employment opportunities at mas maginhawang buhay para sa maraming Pinoy, lalo na ang mahihirap na pinaka-nangangailangan nito.

Kasama sila ng mga Pinoy sa pakikipagsapalaran sa pagtatrabaho sa ibang bansa, at sila ang link sa job market na inaasahan ng gobyerno para maiugnay ang mga Pinoy sa mga dayuhang employer.

Gaya ng mismong mga overseas worker, sila man ay nasa likod din ng naglalakihang remittance, na nagsusulong sa ekonomiya ng bansa sa ngayon.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …