Patay ang dating barangay captain ng Catmon, Malabon, nang pagbabarilin ng magkaangkas sa motorsiklong mga suspek, kahapon dakong 12:55p.m.
Dead on arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) ang biktimang kinilalang si Jojo Cruz, 50-anyos, ex-barangay chairman, residente ng Valdez St., sanhi ng dalawang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa likod na tumagos sa dibdib.
Salaysay ng mga kaanak ng biktima, kababa lamang ni Cruz mula sa kanyang sasakyan sa kanto ng Gov. Pascual sa Catmon, nang lapitan at pagbabarilin ng pares na suspek.
Matapos ang pamamaril, mabilis tumalilis sakay ng motorsiklo ang di nakilalang mga suspek.
(ROMMEL SALES)