Wednesday , November 6 2024

Tsinoy trader todas sa ambush

053114 chinese dead ambush

PATAY ang Chinese-Filipino businessman na si Jason Chua makaraan tambangan ng riding in tandem sa P. Ocampo St., Malate, Maynila kamakalawa ng gabi. (ALEX MENDOZA)

PATAY ang 44-anyos negosyanteng Tsinoy nang tambangan ng riding in tandem habang sakay ng kanyang luxury car  sa Malate, Maynila, iniulat kahapon.

Namatay noon din sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 baril, ang biktimang si Jason Chua , may asawa, ng 1322 Golden Empire Tower, Roxas Boulevard.

Sa imbestigasyon ni Insp. Steve Casimiro, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation  Section, naganap ang pananambang sa panulukan ng P. Ocampo at Mabini Sts., dakong 10:10p.m.

Sa report ng pulisya, galing si Chua sa reunion nila ng high school classmates mula China sa Century Seafood Restaurant sa Malate.

Sa ulat, binabaybay ng biktima ang P. Ocampo St., lulan ng Range Rover (ZI-1055), papauwi sa tinutuluyang condo, nang biglang sumulpot ang mga suspek saka pinagbabaril ang sasakyan ng biktima. (l. basilio)

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *