Wednesday , November 6 2024

Traffic supervisor utas sa tandem

TUMIMBUWANG ang 42-anyos traffic supervisor na lulan ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi nakilalang suspek na sakay rin ng motorsiklo sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the spot ang biktimang si Rodelio Umali, assistant supervisor ng traffic section sa Manila Toll Expressway (MATES), nakatira sa Bldg I, Sambahayan, Rawis Chesa St., Bgy. 118, Zone 9, Tondo, Maynila, sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan.

Ayon sa pulisya, naganap ang pamamaril sa Commerce Ave., kanto ng East Asia Drive Ave., Filinvest, Alabang, Muntinlupa, dakong 4: 30 a.m..

Sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Umali ang kulay itim niyang motorsiklo ( 7248-TQ) sa lugar, kasunod ang isa pang motorsiklo.

Nang mapalapit  sa kanya ay nagbunot ng baril ang isa sa mga sakay saka pinagbabaril ang biktima.

Mabilis tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng kalibre .45 pistola.

(MANNY ALCALA)

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *