Monday , December 23 2024

Senglot na anak todas sa tarak ng ama

ZAMBOANGA CITY – Sumuko sa himpilan ng pulisya ang isang 54-anyos ama makaraan masaksak at mapatay ang kanyang sariling anak sa loob mismo ng kanilang bahay sa Brgy. Kagawasan, Pagadian City.

Ayon sa report ng Pagadian City police station, kinilala ang amang suspek na si Longerciano Traya habang ang napatay niyang anak ay si Jerry Traya, 26-anyos.

Nabatid na umuwing lasing ang biktima at mainitang nakipagtalo sa ama na humantong sa pananaksak.

Isinugod sa Zamboanga del Sur Medical Center ang biktima ngunit binawian ng buhay.

Nakapiit na sa selda ng Pagadian City police station ang suspek habang inihahanda ng pulisya ang isasampang kaso laban sa kanya sa korte.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *