WALANG kamalay-malay ang security guard na nasa likuran niya ang matagal nang kaalitan at agad siyang inundayan ng saksak habang nag-aayos ng uniporme sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kritikal ang kalagayan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Rhoderick Cortel, 34, security guard, residente ng Block 16-C Lot D-12, Kamada Compound Dagat-Dagatan, Caloocan City, sanhi ng nakatusok pang ice pick sa kaliwang kilikili.
Mabilis nakatakas ang suspek na si Aldwin Eroa, alyas Tata, 30, company driver, ng 101 Asero St., Brgy. Tugatog.
Sa ulat ni PO2 Benjamin Sy, Jr., naganap ang insidente sa isang pabrika sa 139 M.H.Del Pilar St., Brgy. Tugatog, dakong 7:00 p.m.
(rommel sales)