Friday , December 27 2024

Napoles balik kulungan

BALIK na sa kanyang kulungan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna ang damuhong binansagang “pork scam queen” na si Janet Napoles, batay sa utos ng korte  noong Huwebes.

Ang utos ng Ospital ng Makati (OsMak) na i-discharge si Napoles ang pinagbatayan ng desisyon ng korte. Hindi puwedeng umapila ang kanyang mga abogado dahil ito ang utos ng judge sa kanilang motion for reconsideration nang makaranas si Napoles ng bleeding.

Sumailalim si Napoles sa operasyon noong Abril 23 kung saan inalis ang uterus at obaryo nito. Pero hindi natuloy ang pagbabalik sana ni Napoles sa piitan sa Fort Sto. Domingo noon pang Mayo 23 dahil nakaranas daw ito ng pagdurugo sa pagkababae. Maaalalang bunga nito ay kumalat ang tsismis na nakipagtalik daw si Napoles kahit nasa loob ng ospital kaya ito dinugo.

Sa halos dalawang buwan niyang pananatili sa OsMak ay namuhay ito na parang reyna at hindi isang preso. Ni hindi pinagbawalang gumamit ng cell phone ang hinayupak habang nagpapahinga sa loob ng isang malamig na silid. Mantakin ninyong maluwag ang seguridad at malaya siyang napapasyalan ng kanyang mga kaanak at kaibigan.

Sa totoo lang, marami ang naghinala na gu-magawa lang ng palusot si Napoles nang sabi-hing dinugo ito, para hindi siya maibalik sa piitan. Ang gusto nila ay huwag itong bigyan ng special treatment at isama sa selda ng mga pangkaraniwang kriminal.

Nakakulong ito dahil sa reklamong “serious illegal detention” na isinampa ng kanyang kaanak at dating empleyado na si Benhur Luy, na nagbunyag ng raket ni Napoles sa pork scam.

Pero kahit nasa Fort Sto. Domingo na si Napoles ay posibleng magngitngit pa rin sa galit ang karamihan dahil sa espesyal na pagtrato na ibibigay rito. Ang mga doktor na lang daw ni Napoles ang pupunta sa Fort Sto. Domingo para suriin ang kanyang kalagayan.

At dahil ayon daw sa report ng OsMak ay “complete bed rest” ang kailangan ni Napoles, mga mare at pare ko, posibleng magpasok ang kanyang kampo ng ilang kagamitan sa kanyang kulungan, kabilang na ang ihian sa tabi ng kanyang kama. Baka nga magpasok pa sila ng aircon kapag sinabing ito ang kailangan ni Napoles.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) ay papayagan lang nila ito kung ipag-uutos ng korte. Nauunawaan naman natin na ang taong may sakit ay may mga pangangailangan para makatulong sa kanyang paggaling. Pero paano ninyo ito maipauunawa sa mga may sakit ding nakakulong na halos mamatay-matay na sa loob ng maruruming piitan pero hindi naaalagaan?

Sagutin!

***

NAGPALAKPAKAN ang Filipino community sa New York nang ihayag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na may sapat na ebidensiya umanong magpapatunay sa pananagutan nina Sens. Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa P10-bilyon pork barrel scam.

May resolusyon na raw ang Ombudsman na may probable cause, naniniwala silang naganap ang krimen at malamang ay guilty nga ang mga akusado. Ang hinihintay ng lahat, mga mare at pare ko, ay ang pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan sa pagbabalik ng Ombudsman.

Abangan!

Ruther Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *