Sunday , December 22 2024

Pagkapikon ni Sen. Koko Pimentel kay Janet Lim Napoles sa media lumatay

00 Bulabugin JSY

MAGALING siguro sa bilyar ang spin doctors na naupahan ng mga Napoles.

Mantakin ninyong nang isinama ni Janet Lim Napoles sa listahan ng mga mambabatas na nakinabang sa P10-bilyon pork barrel scam ang pangalan Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ‘e pumektos agad sa media ang kanyang resbak.

May pagka-impulsive kasi si Sen. Koko.

Parang hindi abogado. Ang tawag ng mga ‘dalawa-singkong operator’ sa ganyang reaksiyon ay ‘madaling mapalundag.’

‘Yun nga, ‘LUMUNDAG’ agad si Sen. Koko at biglang nagpahayag na idedemanda niya si Janet at ilang miyembro ng media ng ‘libel at perjury’ dahil sa pagsasama sa kanya sa Napoles list.

‘E hindi man lang muna niya inisip na bilang chairman ng justice and human rights committee isa nga siya sa mga major proponent ng ilang Senate Bills para ma-decriminalize ang libel.

Kasunod nito, bigla pa siyang nagbanta ‘este’ nagpahayag na liliit na raw ang tsansa na maipasa sa Hunyo ang nakahaing senate bills para tuluyan nang i-decrimanilize ang libel.

Nakita ninyo!?

Isang operation (ops) lang si Koko Pimentel, naligwak na siya agad. Ang kanyang reaksiyon ay tila nagsasabing may kredebilidad si Napoles. Naisama lang siya sa listahan ‘e ngumalngal agad siya.

Ibig bang sabihin ng pagwi-withdraw niya ng support sa nakahaing senate bills para tuluyang ma-decriminalize ang libel ay hindi totoo sa kanyang kalooban batay sa kung paano siya naninindigan at kung ano ang prinsipyong gumagabay sa kanya bilang mambabatas?!

Tsk tsk tsk …

Nakikipaglaro lang pala talaga si Sen. Koko sa media.

Nalilimutan yata ni Sen. Koko ang pariralang: “Don’t shoot the messenger.”

Wala pong personalan d’yan sa mga istoryang naglabasan sa pahayagan, radio at telebisyon. Istorya po ‘yan. Hindi inimbento, kasi may ‘source.’

Tama na nga sana ‘yung kasuhan mo si Napoles ng perjury ‘e.

Dahil d’yan sa reaksiyon mo lumabas tuloy na para kang ‘GUILTY.’

Hindi kaya nabukulan ka ni ex-misis, Senator Koko?!

Just asking lang po!

DISQUALIFICATION LABAN KAY ERAP HINAHAMON ANG HUDIKATURA AT ANG LEHISLATURA

HINDI natin maintindihan kung bakit nagiging isang malaking debate ngayon ang disqualification case laban kay Erap.

Dahil ito ba ay isang test case o dahil sa media blitz?!

Media blitz na nagtatangkang impluwensiyahan ang hudikatura sa kanilang magiging desisyon?!

Nagtataka tayo kung bakit pinipilit ng ilang grupo at kolumnista na bigyan ng katwiran kung bakit hindi dapat idiskwalipika ang “Certificate of Candidacy” ni Erap nang tumakbo siyang alkalde ng Maynila.

Ang desisyon ng Supreme Court sa kaso ni dating congressman Romeo Jalosjos, na sentensiyadong child rapist, na pagtibayin ang diskwalipikasyon ng Metropolitan Trial Court sa kanyang pagtakbo bilang alkalde ng Zamboanga City ay nakabatay sa “panghabambuhay at absolutong diskwalipikasyon sa pagboto o pagtakbo sa ano mang posisyon.”

Ito ay isinasaad sa Sec. 2 Art. 30 ng Revised Penal Code (which discusses the effects of perpetual disqualification and deprivation of the right to vote and election to public office).

Hindi rin kinilala ng Korte Suprema ang argumento ng panig ni Jalosjos na ang nasabing probisyon ay inamyendahan umano ng Local Gov’t Code (LGC), Sec. 40 (a), “those sentenced to final judgment for an offense involving moral turpitude or for an offense punishable by one or more of imprisonment within two years after serving sentence.”

Anang Supreme Court, “Sec. 40 (a) of the LGC should be considered a law of general application and therefore must yield to the more definitive RPC provisions in line with the principle that general legislation must give way to special legislation on the same subject.”

Hindi tayo nagmamarunong pero MALINAW pa sa sikat ng araw ang isinasaad ng mga nasabing batas lalo na ang desisyon ng Supreme Court.

Ngayon kung marami ang nagpipilit na balewalain ang mga batas na ‘yan, aba e tingin natin, isang malaking hamon sa hudikatura at lehislatura ang kasong ito ni Erap.

Sa mga kagalang-galang na Mahistrado ng Korte Suprema, naghihintay ng kalinawan ang mga Manileño at ang buong bansa sa kasong ito.

RED BANANA SA MALATE MAY MAYOR’S PERMIT BA?

ILANG residente sa Ermita at Malate area ang inirereklamo ang isang malaking estbalisyemento na dinarayo ng mga ‘parokyano’ dahil sa kakaibang show nila.

Nagtataka ang mga residente sa nasabing lugar kung bakit namamayagpag ang RED BANANA gayong ang pagkakaalam nila ay wala itong Mayor’s permit.

Katunayan umano nang ipina-renovate ang nasabing establisymento ay walang BUILDING PERMIT.

Pinagdadampot pa nga ‘yung mga trabahador, kawawa naman. Mukhang ang gumastos pa ng piyansa nila ay ‘yung mga kawawang laborer.

Masyado umanong malakas ang loob ng management ng RED BANANA dahil ang mga incorporators umano nito ay isang kilalang entertainment manager, isang business association president, isang bigtime PR, isang talent manager at isang kilalang doktor.

Aba, grabe naman, komo ganyan kayo kabi-bigtime ‘e pwede na ba kayong mag-operate ng negosyo nang walang permiso?!

Paging BIR Commissioner KIM HENARES, Madam pakibusisi nga itong Red Banana dahil mukhang nakalulusot sa mga obligasyon nila sa gobyerno.

Kanino ba nanghihiram ng KAPAL NG MUKHA ang RED BANANA management sa mga taga-Manila City hall?

Magpaliwanag kayo!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *