HINDI natin maintindihan kung bakit nagiging isang malaking debate ngayon ang disqualification case laban kay Erap.
Dahil ito ba ay isang test case o dahil sa media blitz?!
Media blitz na nagtatangkang impluwensiyahan ang hudikatura sa kanilang magiging desisyon?!
Nagtataka tayo kung bakit pinipilit ng ilang grupo at kolumnista na bigyan ng katwiran kung bakit hindi dapat idiskwalipika ang “Certificate of Candidacy” ni Erap nang tumakbo siyang alkalde ng Maynila.
Ang desisyon ng Supreme Court sa kaso ni dating congressman Romeo Jalosjos, na sentensiyadong child rapist, na pagtibayin ang diskwalipikasyon ng Metropolitan Trial Court sa kanyang pagtakbo bilang alkalde ng Zamboanga City ay nakabatay sa “panghabambuhay at absolutong diskwalipikasyon sa pagboto o pagtakbo sa ano mang posisyon.”
Ito ay isinasaad sa Sec. 2 Art. 30 ng Revised Penal Code (which discusses the effects of perpetual disqualification and deprivation of the right to vote and election to public office).
Hindi rin kinilala ng Korte Suprema ang argumento ng panig ni Jalosjos na ang nasabing probisyon ay inamyendahan umano ng Local Gov’t Code (LGC), Sec. 40 (a), “those sentenced to final judgment for an offense involving moral turpitude or for an offense punishable by one or more of imprisonment within two years after serving sentence.”
Anang Supreme Court, “Sec. 40 (a) of the LGC should be considered a law of general application and therefore must yield to the more definitive RPC provisions in line with the principle that general legislation must give way to special legislation on the same subject.”
Hindi tayo nagmamarunong pero MALINAW pa sa sikat ng araw ang isinasaad ng mga nasabing batas lalo na ang desisyon ng Supreme Court.
Ngayon kung marami ang nagpipilit na balewalain ang mga batas na ‘yan, aba e tingin natin, isang malaking hamon sa hudikatura at lehislatura ang kasong ito ni Erap.
Sa mga kagalang-galang na Mahistrado ng Korte Suprema, naghihintay ng kalinawan ang mga Manileño at ang buong bansa sa kasong ito.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com