NAGSE-SENIOR moments na raw ba si Bureau of Immigration-Immigration Regulation Division (BI-IRD) chief DANNY ‘fafafa’ ALMEDA at masyadong affected pala sa isinulat natin sa ating mga nakaraang kolum tungkol sa hiring and promotion sa Bureau of Immigration?
Naibulalas umano ito ni Mr. Almeda pagkatapos ng isang seminar/training d’yan sa Ninoy Aquino International Airport (BI-NAIA) at nang matapos ay nagkaroon ng konting kapihan at huntahan ang mga participant.
All of a sudden ‘e binanggit ni Mr. Almeda na o “Baka maisulat na naman tayo ni Jerry Yap sa issue ng hiring & promotion.”
Kaya naman nagulat ako. Hindi natin alam na mayroon palang personal ‘issue’ sa inyong lingkod ang BFF ni Sen. Ping Lacson na si Mr. Almeda?!
Ang naisulat po natin ay batay sa hinaing at reklamo ng mga naagrabyado d’yan sa Bureau of Immigration (BI) sa nakaraang promotion dahil sa hindi parehas ang binigay na performance rating sa kanila.
Hindi po iyan paninira dahil balido ang basehan ng mga nagrereklamo.
Apektado ka ba dahil nagkataong pawang mga bata ‘este’ ‘TAO’ lang ninyo ang nabibigyan ng promotion?
Gaya noong isang admin aide mo na biglang naging Immigration Officer 2?!
Ang katwiran mo ay dahil sa length of service kaya ‘tumalon’ sa promotion.
Ang tanong ko lang: mahaba ka nga sa serbisyo kung wala ka naman output ‘e pwede na bang tumalon sa promotion?
Alam ba ninyong sandamakmak ang reklamo sa hiring and promotion na ‘yan pero hindi makapagsalita/makapagreklamo ‘yung mga tunay na apektado kasi wala silang mapagsumbungan na siguradong pakikinggan sila at aaksiyonan ang nasabing problema.
Ayaw naman natin na may naririnig tayo diyan sa BI main office na puro mga ‘bata’ mo na lang ang napapaboran sa promotion?
Mr. Danny ‘fafafa’ Almeda, sir, kung mayroon po kayong personal na ‘isyu’ sa inyong lingkod, aba ‘e alam naman ninyong open ang communication natin sa telepono o sa aking opisina.
Kung si Mr. Ferdie Sampol nga ‘e madalas nating napupuna at naikokolum, pero in fairness wala tayong naririnig na kahit ano pa man sa kanya.
And I respect and admire him for that gesture.
Lagi po tayong nakahandang humarap at makipag-usap alang-alang sa ikalilinaw ng mga isyu.
Patunayan ninyo Mr. Almeda na kayo’y lalaking kausap!
Naalala n’yo pa ba nang minsan ninyo akong imbitahan sa coffee shop ng Manila Hotel nakaraang taon?!
Aba ‘e buong-buo ang impresyon ko sa iyo noon na ikaw ay lalaking kausap …
Sana ‘e hindi pa huli para patunayan mo sa akin ‘yan.
Salamat nga pala sa masugid na pagbabasa sa kolum ko.
By the way, kumusta na po ba si Madame Sarah a.k.a. Donna?
‘KOTONG’ TANDEM NG MPD
FYI President-Mayor-daddy Erap,sa kabila ng mahigpit na utos ho n’yo na walang KOTONG sa Maynila ‘e may ilang tulis ‘este’ pulis ang makapal ang mukha na sumasalikwat pa rin sa pangongotong.
At ang masama pa, maging ang opisina n’yo ay ginagasgas ng mga hinayupak!
Iyang tandem nina alias TATA RIGORILYA at TATA GAA-GO ang sikat na sikat ngayon sa kolektong gamit ang butas ng MCAT sa mga club at operator ng ilegal na sugal.
Mahigpit pa ang utos ng kamoteng alias Rigorilya na bawal ang mag-PASS sa kanilang kinokolektong.
Sonabagan!!!
Akala mo may patagong pera ang mga damuho!
MPD DD GEN. ROLANDO ASUNCION sir, saan ba talaga naka-assign ‘yan sina BAGMAN TATA GAA-GO at TATA RIGORILYA?
Kung talagang seryoso po ang kampanya n’yo laban sa mga kotong cops ‘e unahin n’yong kalusin ang dalawang ‘yan na nakasisira sa imahe ng MPD!
Kayanin mo kaya Sir!?
Dahil ba sa pabayang bright boys?
SINAPIT NI EX-LAGUNA GOV. ER EJERCITO TUNAY NA MASAKLAP
NAKIKISIMPATIYA tayo sa nakalulungkot na nangyari kay dating Laguna Governor ER Ejercito.
Hindi kayang tawaran ang ginawa niyang pagpapatampok sa Laguna sa national scene lalo na nitong nakaraang Palarong Pambansa.
Gusto tuloy natin sisihin ang kanyang ‘BRIGHT BOYS’ na mukhang nagpabaya sa kanilang trabaho.
Hindi man lang ba nila nasilip ang inihaing Statement of Election Contributions and Expenditures (SECE) ng kanilang bossing at hindi man lang ba nila na-double check.
Tsk tsk tsk …
Nawala ang tikas ni Asyong longganisa este Salonga sa negligence na ito ng kanyang bright boys.
Totoo rin talaga ang kasabihan na, “Ang isda ay nasasalakab sa sariling bunganga.”
Anyway, pwede ka pa naman tumakbo sa susunod na eleksiyon ex-Gov. ER.
Basta atasan mo lang ang bright boys mo na ayusin nila ang trabaho nila para hindi ikaw ang nasisilat.
By the way, binabati natin si Gov. Ramil Hernandez at ang kanyang bise gobernador na si Atty. Catherine “Karen” Agapay.
Mabuhay po kayo Gov and Vice Gov!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com