Tuesday , December 24 2024

8 holdaper utas sa Cavite shootout

KINOMPIRMA ng Silang municipal police station na walong pinaghihinalaang mga holdaper ang napatay sa pakikisagupa sa mga pulis dakong 2 p.m. kahapon sa Brgy. Litlit, Silang, Cavite.

Ayon kay Cavite Provincial Police director, S/Supt. Joselito Esquivel, siyam na mga suspek ang sakay ng apat na motorsiklo.

Papasukin sana ng mga suspek ang isang hardware store sa Brgy. Litlit dakong 1:30 p.m. kahapon.

Ngunit may nakapagbigay ng tip sa mga awtoridad.

Ayon kay Esquivel, agad silang bumuo ng team at naglunsad ng operasyon kasabay ng paglagay ng checkpoint upang makorner ang mga suspek.

Habang palapit sa checkpoint, binalewala ng mga suspek ang mga awtoridad at nagpaputok na naging sanhi ng shootout.

Sinabi ni Esquivel, sa siyam na mga holdaper, ang walo ay agad napatay ng mga awtoridad habang nakatakas ang isa pang salarin.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *