Friday , November 22 2024

Palit-ulo, palit-ngalan sa mga dinampot na personnel ni 1602 Simbulan (Attn: MPD DD Gen. Rolando Asuncion)

00 Bulabugin JSY
AKALA natin nagtagumpay ang pagpapasalakay ni Manila Police District director, Chief Supt. Rolando Asuncion, sa isang butas ni Boy Abang sa kanto ng Sevilla at Concha streets, na sinabing bahay ng pamangkin na si PO3 Rolando Simbulan, nakatalaga sa NCRPO-RPHAU.

Kung hindi tayo nagkakamali, inutusan ni DD Asuncion ang MPD – General Assignment Investigation Section (GAIS) para sa nasabing anti-gambling operation.

May kwento pang ini-hostage ang apat na pulis ng GAIS. Tapos may nahuling limang (5) personnel kuno na sinampahan na raw ng kaso.

Pero sa totoo lang, ilang insider ang nagsasabi sa atin na nagkaroon ng PALIT-ULO.

Ano po ang ibig sabihin ng palit-ulo?

‘Yung mga nahuli pong personnel ay pinawalan at pinalitan ng ibang tao.

At ‘yung mga ipinalit na tao na nakakulong, binabayaran ng P400 kada araw ng kanilang pagkakakulong, bukod pa sa rasyong pagkain.

Bakit naman sila pumapayag sa PALIT-ULO?

Kasi po hindi naman talaga ‘yung tunay na pangalan nila ang ginagamit. Mga imbentong pangalan din po ‘yun.

Sa report po na inilabas ng GAIS, sinabi nilang ang ang mga nadampot ay isang Victorino Alvaro, 62; Pedro Sigura, 56; Danilo Rugano, 57; Rey Badocdoc, 44; at Rey Modrigo, 24.

Pero sa retrato pong ipinakita natin sa ating source, kinilala niya ang tatlo sa lima na isang Romy Tattoo, isang barangay tanod; Orly Paculan alyas Lupog at Rey Valenzuela alyas Bangus, pawang barangay tanod naman sa Barangay 72, Zone 6.

Ano ba talaga ang tunay na kwento, MPD-GAIS chief, C/Insp. Arsenio Riparip, Sir?!

Gen. Asuncion Sir, isinusulat ko po ito hindi para siraan ang mga pulis ninyo kundi para tawagin ang inyong pansin na i-double check ang identities ng mga tao/personnel na sinabing hanggang ngayon ay nakakulong pa rin d’yan sa GAIS.

Kung hindi po ninyo bubusisiin ‘yan ay hindi ninyo matutuklasan na ‘drawing’ lang pala ‘yang ‘raid’ na ‘yan sa isang butas ng lotteng, EZ2 at bookies ni Boy Abang.

Malamang ‘e napagtatawanan pa kayo ngayon at tinatawag-tawag na engot ng kung sino man ang may pakana kung paano nagkaroon ng PALIT-ULO/NGALAN sa operasyon na ‘yan.

Busisiin ninyong mabuti, GEN ASUNCION!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *