IBINASURA ng Sandiganbayan ang apela ni dating Pangulo na pahintulutan siyang makapaglagak ng piyansa sa kasong plunder.
Ayon sa desisyon ng Sandiganbayan First Division, “no bail can be allowed” para sa dating Pangulo na nahaharap sa plunder charges kaugnay sa pag-lustay sa P366 milyon pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sinabi ng korte, ang naunang resolusyon na may petsang Abril 21, tumatanggi sa bail petition ng dating Pangulo, ay hindi dapat irekonsidera.