NANGANGANIB maputulan ng isang paa ang 39-anyos dalaga dahil sa pamamaril ng manliligaw na kanyang inisnab sa isang inuman sa Navotas City kamakalawa ng hapon.
Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Angie Lumdino, ng Block 34, Phase 2 Area 2, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sanhi ng tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa kanang paa na tumagos hanggang sa buto.
Pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Warner Tibu, manliligaw at kapitbahay ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
(rommel sales)