BANTAY-sarado ng mga awtoridad sa isang pagamutan ang naka-confine na sinasabing miyembro ng New People’s Army (NPA) at anak na sanggol na nasugatan sa enkuwentro sa Sitio Hukdong, Brgy. Balocawe, Matnog, Sorsogon.
Ginagamot sa isang ospital sa nasabing lugar si “Ka Cynthia” sanhi sa tama ng punglo sa nasabing enkuwentro.
Si Ka Cynthia ay sinasabing kasama ng naarestong si Ka Russel na unang naaresto ng tropa ng pamahalaan.
Nananatiling naka-full alert ang mga pulis sa Bicol kaugnay ng posibleng pagganti ng mga rebelde.
(Beth Julian)