Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daddy pinatay si Mommy sa harap ng 5-anyos anak (Bago nagbaril sa ulo)

SELOS ang hinihinalang motibo sa pagpatay ng overseas Filipino worker (OFW) sa dati niyang kinakasamang OFW rin, bago magbaril sa ulo, sa harap ng kanilang 5-anyos anak, sa Barangay Roxas District, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat kay Chief Supt. Richard Albano, Quezon City Police District (QCPD) Director, mula kay C/Insp. Rodelio Marcelo, Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) chief,  namatay ang dating live-in partners na sina Al Bryan Padua at Erika Mauricio residente sa Azucena St., Barangay Roxas District.

Sa imbestigasyon, dakong 2:00 a.m. nang matagpuan ang dalawana kapwa may tama ng bala.

Isang tama ng bala sa sentido ang tumapos kay Mauricio na tumagos sa panga at isa naman ang tumama sa bibig ni Padua na tumagos sa batok.

Bago ang insidente, nakarinig ng tatlong putok ng baril ang ilang kapitbahay na nagmula sa loob ng bahay ng mga biktima dahilan para tumawag ng responde sa barangay.

Sa imbestigasyon, binaril muna ni Padua si Mauricio saka nagbaril sa sarili sa harap ng kanilang 5-anyos anak.

Bagamat matagal nang hiwalay ang dalawa, selos pa rin ang nakitang nagtulak  kay Padua para patayin ang dating kinakasama makaraang malaman ng pulisya na nagtatanong sa kapitbahay si Padua kung may bagong kinakasama si Mauricio.

(Almar Danguilan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …