Sunday , December 22 2024

Suspensiyon ni Tayabas Mayor Faustino “Dondi” Silang et al pinigil ni DILG Quezon PD Damot?

00 Bulabugin JSY

DALAWANG taon na pala ang nakararaan mula nang ibaba ang suspensiyon laban kina Tayabas City Mayor Faustino Silang, Vice Mayor Venerando Rea at mga konsehal na sina Maria Cielito Zeta-Addun, Dino Romero, Luzviminda Cuadra, Estelito Querubin at Lyka Monica Oabel.

Ang suspensiyon ay kaugnay ng “Valentine bonus” na may kabuaang halagang P19.9 milyones na ipinamahagi sa 151 municipal employees noong 2009.

Sa limang-pahinang resolution na nilagdaan nina Associate Justices Rolando Jurado, Alexander  Gesmundo  at Amparo Cabotaje-Tang, sinabi ng anti-graft court na ang suspension order ay bilang proteksiyon upang hindi matakot ang mga saksi na malayang ipahayag ang kanilang nalalaman kaugnay sa nasabing iregularidad.

Ang Valentine bonus ay nagkakahalaga ng P132,000 bawat isa sa 151 empleyado.

Ngunit ayon sa ilang mga empleyado, P82,000 lamang ang natanggap nila.

Sonabagan!!!

Nabukulan pala ‘yun mga pobreng empleyado!?

Iniutos ng Sandiganbayan na ang suspensiyon ay agad na ipatutupad pagkatanggap ng mga kinauukulan sa nasabing resolusyon.

Pero anong petsa na!?

Hanggang ngayon, mangangalahati na ang 2014 ‘e HINDI pa rin pala naipatupad ang nasabing suspension.

Anong birtud ang ginamit ni Mayora ‘este’ Mayor Dondi Silang et al kung bakit hindi sila nasuspendi kahit man lang isang araw?!

Ayon sa ating unimpeachable source, si Dondi Silang, ang kanyang bise at limang konsehal ay ipinag-‘ABOGADO’ raw ng isang ENRICO DAMOT, ang kasalukuyang provincial director ng Quezon Interior and Local Government Unit.

Hindi na umano kailangan isuspendi ang mga nasabing opisyal dahil noong 2009 pa naganap ang iniaakusang iregularidad pero hindi naipatupad. Hanggang matabunan na umano ng panibagong eleksiyon nitong May 2013.

Ganon?!

Napapaso na pala ang suspensiyon ng Sandiganbayan?

Paano naman ‘yung mga naagrabyadong mamamayan at nasalaulang pondo ng bayan?!

Paki-EXPLAIN, DILG Secretary Mar Roxas, sir!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *