Friday , November 22 2024

Hapon tepok 8 pa sugatan (Van sumalpok sa puno)

PATAY ang isang Japanese national habang walong iba pa ang sugatan sa naganap na aksidente sa Oslob, Cebu kamakalawa.

Sakay ng Toyota Hi-ace van ang biktimang si Hiromi Ichimura, patungong Tan-awan sa Oslob, nang mawalan sa kontrol ng driver ang manibela.

Ayon sa driver na si Guillermo Hella, 57, binabaybay nila ang pababang kalsada nang mawalan ng kontrol at tuluyang sumalpok ang sasakyan sa tulay ng tunnel bago dumiretso sa puno ng mahogany.

Nabuwal ang puno at bumagsak sa van na ikinamatay ng biktima at ikinasugat ng iba pang mga dayuhan na sina Ryosuke Toi, tourist guide; Keiko Sonobe, Hiroshi Sato, Keotsu Hayasaka, Akira Itoh, Syuta Suge, Takao Sonobe, at isang Kazuyuki. (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *