Sunday , December 22 2024

Yari na raw ang kulungan para sa ‘tatlong hari’ sa listahan ni Napoles

00 Bulabugin JSY
ESPESYAL talaga ng ‘TATLONG HARI’ sa listahan ni Napoles na sina Tanda, Sexy at Pogi.

Mantakin ninyong ipagpagawa pa ng espesyal na cubicle sa PNP Camp Crame.

Kung gagawan ng pelikula ‘yan, ang imumungkahi kong pamagat ‘e, “YARI NA ANG TARIMA NG TATLONG HARI.”

Kung hindi tayo nagkakamali ‘yang pinagpagawaan ng espesyal na cubicle ng ‘TATLONG HARI’ ‘e ‘yung PNP Custodial Center na dating pinagkukulungan sa mga terorista kuno.

Ang sumunod naman na ibinartolina d’yan ‘e yung mga ‘mutineers’ umano.

At ngayon nga ay inihahanda na para sa mga mandarambong … starring the three pork barrel kings.

(Bigla ko tuloy naalala noong panahon ni Kristo … ang mga magnanakaw at mandarambong ay ipinapako sa krus. Napakatipid no’n).

‘E kasi naman magastos dahil mula sa pera ng taong bayan pa ‘yang pagpapagawa ninyo ng cubicle para sa mga isinasangkot sa pandarambong sa P10-billion pork barrel scam.

Bakit hindi na lang sa BJMP detention cell doon sa Bicutan?!

Tsk tsk tsk …

Kapag ordinaryong tao na ang kaso ay snatching o robbery deretso sa selda, may ‘binyag,’ bugbog at kulata pa.

Heto, ang ‘tatlong hari’ na naging sanhi ng katakot-takot na kahirapan at paghihikahos ng sambayanan, ng pagpapakamatay ng isang UPCAT passer na si Kristel Tejada dahil hindi siya makapag-enrol sa UP Manila, ‘e ipinagpapagawa pa ng SPECIAL CUBICLE?!

Subukan na lang kaya nating IPAKO sa krus ‘yang mga mandarambong na ‘yan, baka sakaling matakot pa ang dina-dinastiyang mga plunderer sa kaban ng bayan?!

Ano sa tingin ninyo, Justice Secretary Leila De Lima?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *