Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batang Kalye (Part 22)

DUMATING ANG NBI AT PDEA SA HIDEOUT TINUTUKAN NINA SPO4 REYES AT KUYA MAR SI DON POPOY

Makaraan pa ng ilang minuto ay nagdatingan na ang mga sasakyan ng pulisya, NBI at PDEA sa bisinidad ng bahay na bato. Armado ng malalakas na kalibre ng iba’t ibang baril ang mga awtoridad na lumapit kay SPO3 Sanchez. Nagbigay-ulat agad ang police woman sa mga opisyal ng pulisya, NBI at PDEA . At pagkaraa’y ipinakilala niya si Ate Susan sa mga opisyal ng tatlong sangay ng ahensiya ng gobyerno na tagapagpatupad ng batas.

Pamaya-maya’y tumunog na muli ang cellphone ni SPO3 Reyes. Ang lahat ng sinasabi sa kanya ni SPO4 Reyes ay inuulit niya upang maging malinaw ang dating sa mga kasamahang opisyal ng pulisya, NBI at PDEA.

Buhay na buhay sa imahinasyon ko ang mga nangyayari kina Kuya Mar at SPO4 Reyes batay sa mga sinasalita ni SPO3 Sanchez.

“Dahan-dahan nang nakalalapit sina SPO4 Reyes at Mar sa lugar na kinaroroonan ng grupo ng sindikato… Naroroon din daw ang big boss na si Don Popoy.

“Hayun… Nagawang tututukan ni SPO4 Reyes ng baril si Don Popoy na mabilisan namang binihag ni Mar…Hayun… Nagbabala si SPO4 Reyes na ang unang pomorma raw ng masama sa mga tauhan ni Don Popoy ay unang bubulagta…

“Sagot naman ni Don Popoy: Ikaw man ang pinakamatinik na sharpshooter sa buong mundo, ilan nag kaya ang maitutumba mo? Para kayong pumasok sa mismong bibig ng leon…

“Sabi naman ni Mar : Patay na kung patay! Mahigit tatlong minuto   na lamang ang nalalabi at sasabog na tayong lahat. Mapapaaga ang pagharap n’yo sa inyong panginoon sa impiyerno…

“Nakuuu! May nakakabit daw na bomba sa mismong katawan ni Mar…A-at teka… nagkakasagutan sina Mar at SPO4 Reyes…Galit si SPO4 Reyes kay Mar na pinagsabihang ‘Praning ka… Bakit ‘di mo ipinaalam sa akin na may bombang nakatanim sa katawan mo?

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …