Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

7-anyos anak ginilitan ni mister (Misis sumibat patungong Canada )

052114_FRONT

SA MATINDING galit kay misis na nagtungo ng Canada nang walang paalam, pinagbuntunan ng galit ng ama ang kanyang 7-anyos anak na babae, na kanyang ginilitan ng leeg at pinagsasaksak sa katawan hanggang mamatay, sa Quezon City kahapon ng madaling araw .

Sa ulat  ni PO2 Rita Reynaldo ng Quezon City Police District – Fairview Police Station 5 –  Women and Children Desk, natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay ang biktimang si Angel Mark Cathlyn Manliclic, ng Block 2, Lot 8, N. Aquino St., Barangay Sta. Lucia, Fairview.

Agad naaresto ang ama ng biktima, na si Alvin Manliclic, 35, nakaupo pa sa tabi ng bangkay ng kanyang anak nang damputin ng mga awtoridad.

Sa imbestigasyon, dakong 3:00 a.m., nakatanggap ng tawag ang mga bantay sa  barangay hall, mula sa isang concern citizen at ipinagbigay-alam ang insidente.

Mabilis nagresponde ang mga kagawad ng Brgy. Sta Lucia at kanilang nakita ang bangkay ng biktima habang nasa tabi nito ang suspek na walang kibo at kusang sumama sa mga tanod at saka dinala sa pulisya.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakitaan ng saksak sa kaliwang tagiliran ang bata at ginilitan sa leeg.

Sa inisyal na imbestigasyon, hinalang lasing ang ama at galit sa kanyang misis na nagpaalam uuwi ng probinsiya pero makalipas ang ilang araw nalaman ng suspek sa Facebook na nasa Canada na pala si misis.

nina Almar Danguilan/JETHRO SINOCRUZ

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …