NATUWA tayo nang umastang ‘pulis pangkalawakan’ si Manila District V councilor, Kgg. Aligator ‘este’ Ali Atienza in behalf of Barangays 105, 110, 107, 116, 118, 123, 39, 275 at 44 na nabukulan/nawalan sa kanilang Real Property Tax (RPT) shares.
Natuklasan kasi ng nasabing mga punong barangay na ang kanilang RPTs ay napuntang lahat sa barangay lang ni Chairman SIEGFRED HERNANE ng Barangay 128, Zone 10, District 1.
Nang mag-alboroto ang siyam (9) na barangay chairman biglang lumutang sa eksena si Kgg. Ali Atienza.
Nakipagpulong sa mga Brgy. Chairman at sasampahan daw niya ng kaso sa Ombudsman ang mga sangkot sa pagpapalabas ng P77 milyones RPT shares sa iisang barangay lamang.
Napabilib tayo sa sinabing ito ni Konehal Ali.
Lalo na kung ang tinutukoy niyang mga sangkot ‘e ‘yung mga konsehal na nag-apruba sa pamamagitan ng isang resolusyon na i-release ang nasabing RPT shares sa nag-iisang Barangay 128 na pinamumunuan ni Chairman Hernane.
Hindi lang tayo ang bumilib, maging ang mga barangay chairman na nabukulan ay nabuhayan nang loob at umasa nang marinig ang nasabing pahayag ni Kgg. Ali.
Ang malungkot, lalo lang nadesmaya ang mga barangay chairman dahil imbes sampahan ng kaso ang mga opisyal na sangkot sa nasabing iregularidad sa paglalabas ng RPT shares ‘e nagpadala lang ng sulat si Konsi Ali kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales at
Commission on Audit (CoA) Chairman, Grace Pulido-Tan para imbestigahan at suriin ang nasabing ‘iregularidad.’
Kasabay nito, nanghihingi ng dokumento si Kgg. Ali kay Madam Grace kung nabigyan na raw siya ng kopya.
Anak ng tokwa!!!
Hehehe … ang tikas ni Konsehal Ali nang humarap sa mga barangay chairman, ‘yun bang tipong ibabagsak ang tabak ni Damocles sa mga kasamahan sa Konseho na siyang lumagda sa resolusyon na nagbigay ng “go signal” para i-release kay Hernane ang P77-milyones RPT shares.
Akala pa naman natin sasampahan nga ng kaso o kaya ‘e mag-privilege speech man lang sa konseho para talakayin ang bukulan na ‘yan.
‘Yun pala mag-i-inquire lang?!
Ay sus! Pinaasa lang pala ‘yung mga barangay chairman.
Wala na bang mas matapang d’yan Konsehal Ali?!
Parang grandstanding lang ‘e!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com