Sunday , December 22 2024

Suspensiyon ng P250 mula sa P550 terminal fee hiniling ng AOC (Habang under rehabilitation ang NAIA Terminal 1)

00 Bulabugin JSY
HINILING kamakailan ng may 40 miyembro ng Airline Operators Council (AOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa management ng Manila International Airport Authority (MIAA) na pansamantalang suspendihin ang P250 mula sa P550 terminal fee sa bawat umaalis na pasahero sa NAIA terminal 1.

“Since the Ninoy Aquino International Airport terminal 1 (NAIA 1) is undergoing rehabilitation and passengers are not receiving the full service which they deserve, we are highly recommending to the MIAA board the immediate reduction of P250 as part of the terminal fee,” ani Asean –AOC head Onnie Nakpil.

Kung aaprubahan ng MIAA board na pinamumunuan ni GM Jose Angel Honrado ang mungkahing ito, ang bawat pasahero ay magbabayad na lamang ng P300 sa NAIA T1 hanggang matapos ang P1.16 billion rehabilitation project sa January 2015.

Kapag natapos ang rehabilitation doon lamang muling ipapataw ang P550 terminal fee.

Nahihiya na raw kasi ang iba’t ibang airline companies na nandiyan sa NAIA Terminal 1 dahil puro reklamo ang natatanggap nila mula sa mga pasahero.

Mula sa kakulangan ng malinis at maiinom na tubig hanggang sa grabeng init na nararanasan nila dahil sa poor air-conditioning system.

Dahil sa kakulangan na ‘yan, ang Airline companies pa ang nagbibigay ng maiinom na tubig sa kanilang mga pasahero sa kanilang mga counter gaya ng Air France-KLM.

Kamakailan lang,dalawang pasahero na ang hinimatay at na-stroke sa tindi ng init sa loob ng terminal 1.

Ano ba ang ginagawa ng Terminal 1 Manager Dante Basanta at kahit man lang industrial cooling fan ay hindi makapaglagay sa loob ng airport!?

Hindi lang ‘yan, aba ang tagal nang tumatanggap ng terminal fee ang NAIA pero ang X-ray Machine sa NAIA T-2 ay dalawa lang ang gumagana kaya ang haba ng pila papasok sa terminal.

At ‘yun ang tanong, saan ba talaga napupunta at ginagamit ang TERMINAL FEE mula sa mga pasahero?!

Kailangan na bang pumasok si CoA Chairman Madam Grace Pulido – Tan sa terminal fee na ‘yan?!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *