Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Totoy sinagip ng pusa sa asong ulol

NAGING trending sa internet ang dramatic footage ng matapang na pusa habang sinasagip ang isang batang lalaki mula sa atake ng asong ulol.

Bunsod ng insidente, marami ang nagsabi na ang mga pusa ay maaari ring maging “man’s best friend” bukod sa aso.

Ini-post ng ABC affiliate ang video, na mapapanood ang bata habang lulan ng maliit na bisekleta sa isang lugar sa Bakersfield, California nang biglang sumulpot ang aso at sinakmal ang paslit sa binti saka kinaladkad.

Sa kabutihang palad, namataan ng pusa ang insidente, agad niyang sinugod ang asong ulol na mabilis na tumakbo palayo.

Ang video na simpleng may pamagat na “My cat saved my son,” ay sinasabing maaaring edited mula sa home security footage, ng ina ng bata.

Ang bata ay nasa maayos nang kalagayan makaraan malapatan ng lunas sa pagamutan.

Samantala, ayon sa ulat ng TMZ, ang aso sa nasabing video ay maaaring patayin na lamang.

Makaraan kunin ng animal control, nagdesisyon na patayin na lamang ang aso dahil mas lalo itong naging agresibo.

Ito ay upang hindi na makapanakit pa ng iba ang hayop. (www.thewire.com)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …