PAGKATAPOS nilang makapagsilbi sa ating Armed Forces bilang mga field commander ng Army (karamaihan sa kanila), sila ay pinagkukuha upang itapat sa dalawang uri ng laban. Ito ang rampant corruption at ang smuggling.
Ating tinutukoy ang maraming military na isi-nabak sa intelligence, enforcement and security service (police) at maging sa assessment bilang collector ng mga district collection. Mayroon mas mababang rango sa general (pinakamataas ang 4-star sa AFP na hinawakan ang ilang sensitive na division).
Sila ang pumalit sa career executives, mga port collectors at hepe ng key positions. May mga ilan din galing sa private sector na nandiyan din sa Customs.
Kaya kaya ng mga itinalagang military na masugpo ang smuggling? Una sa pagkilala sa mga smuggler na pawang mga walang mukha. Sila ay gumagamit ng mga pekeng kompanya at mga tauhan na pawang peke din. Maaaring ikatwiran na ang paggamit ng mga dummy ay lipas na sa Customs. Pero ang mga smuggler 24/7 na pinagaaralan ang bawat kilos ng mga pinuno ng Bureau. Kadalasan ang mga mentor nila mismong mga beteranong taga-Bureau.
Ngayon sa anti-corruption drive, tandaan na sa loob halos ng seven months ng pagkaka-appoint nila tila wala tayong nababasa ukol sa pagbubulgar sa mga corrupt na kawani. Dahil ba ito sa massive transfer ng mga career official sa isang inisignficant office na tawag ay CPRO (Customs Revenue Policy Office)?
Maaaring matitino ang mga itina-lagang retired AFP general at ilang director mula sa PNP, pero sa kalagayan ba ng Bureau of Customs na ni walang isang patrol craft para panghabol sa mga fast craft ng mga smuggler ay wala, kapos na intelligence fund (P4.5-million a year), mga personnel na lubos na trustworthy at patriotic, at ang posibilidad na hindi mag-cooperate sa military, magiging successful kaya sila sa kanilang mission?
Ibang-iba ang environment sa battlefield na ang mga kalaban mga rebelde at terorista. Ang customs, isang civilian agency na ang mission principally ay to collect revenues and secure its existing collection ports against smugglers. Ang ating military ay may serarch and destroy mission.
Sa halos 50 na ranking career officials na itinapon sa CPRO na marahil ay parte ng massive clean-up drive ni Secretary of Finance, iilan palang naman ang nagbitiw dahil sa pangambang tila wala na silang pag-asang makabalik sa mga puwesto nila kahit pa sila ay mga career executive service eligibles (CESO) na marahil hindi taglay ng retired military. Sabagay acting capacity lang naman sila.
Sa reaction ng mga itinapon sa CPRO may seven months na ngayon, sila ay nakahandang magtiis.Tutal daw last two minutes na lang ang Aquino government. Tungkol naman sa ating commissioner na balitang isang maga-ling na technocrat, talaga bang ang criterion sa isang revenue agency tulad ng Customs, dapat may combination ng pagiging mahusay mag-relate sa mga personnel at mas lalo sa transacting public?
Makikita natin ang resulta ng re-venue collection sa ilalim ng technocrat na commissioner. Bagsak na bagsak sa target. Marami rin kasing mga bagong rules na Ipinoprotesta ng port users. Karapatan din nila ito. Hindi sila basta papayag ng brasuhan. Kung hindi makatiis, puwede daw slow down ang business nila to maintain their offices and staff.
Sabihin na natin na incorruptible ang retired military na nagpapatakbo ng Bureau, kaya ba nilang garantiyahan na hindi sila iisahan ng mga nasa ilalim nila? No take policy nga sila, pero sinusunod ba ito ng mga nasa ILALIM nila?
Arnold Atadero