Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinakamayamang musikero sa mundo

NANGUNA si Adele sa listahan ng ‘Richest Musicians Under 30’ nang hindi siya nagtrabaho sa loob ng isang taon!

Nakalikom ang 26-anyos na singer ng yamang umaabot sa £45 milyon—katumbas ng lahat ng pinagsamang kinita ng mga miyembro ng One.

Sinasabing ang yaman ni Adele ay lumaki ng £15 milyon sa nakalipas na taon hanggang umabot sa £45 milyon.

Sinimulan na ni Adele ang kanyang ikatlong album kasama ang songwriter na si Ryan Tedder subalit wala pang balita kung kailan ito mari-release.

Pumangalawa kay Adele ang bagong entry na si Calvin Harris na may halagang £30 milyong yaman habang pumangatlo naman si Cheryl Cole sa £16 milyon.

Sinabi ng mga source na kayang humiling ni Moneybags Calvin, 30, ng halagang £100,000 para sa isang gabing trabaho bilang disc jockey (DJ) sa Las Vegas.

Dangan nga lang ay nakahandang taasan ang presyo ni Chezza, 30, ngayon taon, salamat sa X-Factor signing kaya malamang na hindi siya magtagal sa pangatlong puwesto.

Kasunod ng tatlong sikat na perfor-mer, pumang-apat sa listahan ang grupong One Direction na may halagang £14 mil-yon ang bawat isa.

Narito ang buong listahan ng Top 10 richest musicians under 30 sa UK at Ireland:

1. Adele (£45m)

2. Calvin Harris (£30m)

3. Cheryl Cole (£16m)

4. Niall Horan (£14m)

5. Zayn Malik (£14m)

6. Liam Payne (£14m)

7. Harry Styles (£14m)

8. Louis Tomlinson (£14m)

9. Leona Lewis (£13m)

10. Marcus Mumford and Carey

Mulligan (£13m)

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …