Saturday , December 28 2024

Thank You Manila Tourism Head Ms. Liz Villaseñor (For accommodating our OJTs)

00 Bulabugin JSY

NAIS nating ipaabot kay Ms. Liz Villaseñor ang aming taos-pusong pasasalamat sa kanyang mainit na pagtanggap sa on-the-job trainees ng HATAW D’yaryo ng Bayan.

Sila po ‘yung limang estudyante from Polytechnic University of the Philippines (PUP) and Sienna College na nag-apply sa ating pahayagan para sa OJT as one of the requirements of their respective courses and universities.

They are directly under the supervision of our beat reporters (kung saan sila naka-assign – sa Manila Police District then sa Senate of the Philippines) and news photographers. Required din silang mag-report daily sa editorial office ng HATAW for some lectures and discussions about journalism.

For their final articles dahil matatapos na ang kanilang OJT, binigyan po sila ng assignment ng editorial desk. At isa na nga rito ang profile/feature article about Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau na incidentally si Ms. Liz Villaseñor ang hepe.

Matagal na rin naman natin naisulat na sa lahat ng dibisyon ngayon sa ilalim ng Manila City Hall isa ang Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau sa nakikita natin na maayos ang performance.

Lalo na nitong nakaraang selebrasyon ng Bonifacio Day (2013). Napatingkad ng Manila Tourism kung ano ang kahalagahan ng dakilang Gat Andres Bonifacio at ng Katipunan sa kasaysayan ng ating bansa at mismo sa kasaysayan ng Maynila.

Kaya bilib tayo kay Madame Liz.

Kaya nga natutuwa rin tayo nang isa sa ibinigay na assignment ng editorial desk sa OJTs ang nasabing dibisyon.

Ibig sabihin, marami talaga ang nakapupuna sa mga positibong ginagawa ng Manila Tourism.

Again, maraming salamat talaga, Ms. Liz sa mainit na pagtanggap sa aming OJTs.

Munting paalala lang, dahil okey ang performance ninyo, malamang maraming naiinggit sa inyo.

Mag-ingat lang kayo sa pali-paligid ninyo dahil naririyan lang sila sa tabi-tabi ninyo.

Mahirap na lang din magsalita, pero sa totoo lang ang mga paninira at text brigade laban sa inyo ay galing din sa mga taong nasa inner circle ni Mayor Erap.

Anyway, sabi nga, “Just do your best and let God handle the rest …” at isa pa … “You can never put a good person down.”

Again, thank you Liz and God bless for your kind heart. Good luck.

AND TO THE BITTER ONE …

NAKITA nga po natin ang post ni Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau head, Madam Liz Villaseñor sa kanyang wall habang ini-interview siya ng mga estudyanteng nag-o-OJT sa HATAW.

Natuwa talaga tayo habang tinitingnan natin ang naka-post na photos dahil makikita sa mukha ng mga OJT na very attentive sila sa mga sinasabi ni Ms. Liz.

Pero nalungkot tayo at nadesmaya nang makita at mabasa natin na mayroong ‘sumasawsaw’ at nag-comment.

Sorry for the term, Ma’m Liz …

Pero hindi naman natin siya masisi (‘yung SO bitter) kasi nga inamin naman niya na ‘Erap Loyalist’ siya.

Nauunawaan natin kung bakit ganoon ang asal niya. Pero sana, hindi niya idinamay ‘yung mga batang OJT.

‘Yung mga batang estudyante ‘e nagko-comply lang sa school requirements nila. At ang kanilang interview ay “IN GOOD FAITH” on our part lalo na sa mga OJT.

Gusto rin natin linawin na wala kaming ginagawang paninira kay Erap dahil wala naman kaming sinasabi o isinusulat na hindi totoo.

Nagsisinungaling ba kami nang isulat namin na si Erap ay convicted plunderer?

Hindi ba kami nagsasabi nang totoo nang isulat namin ang sandamakmak na reklamo laban sa mga mangongotong na taga-DPS, HAWKERS at MTPB dahil sa pang-aabuso?

Imbento lang ba ang news story sa isang KOTONG engineer na mismong si Yorme Erap ang nagpasakote sa mga awtoridad sa isang entrapment dahil lahat ng mga nag-a-apply ng permits sa kanilang tanggapan ay hinihingan niya ng ‘lagay’?

Kami ba ang nagparatang na nagnakaw ng pork barrel ang idolo mong si Sen. Jinggoy?

Ang hinaing ng maralitang taga-Maynila na hirap na hirap na makapagpagamot nang libre ngayon sa Maynila?

Factual po ‘yan Mr. SO BITTER.

Wala tayong magagawa kung isang gollumnista lang ang binabasa at pinaniniwalaan mo.

Kaya nga hindi na ako nagtataka kung pati ‘yung mga OJT ay idinamay mo.

Kung meron kang kapatid, anak o pamangkin na gaya ng OJTs namin ‘e ‘wag sana nilang danasin ang gaya ng ginawa mo.

Masakit at foul na paratangan ang mga estudyante na nag-eespiya sa kanilang pag-o-OJT.

Hindi kita kilala, pero batay sa inasal mo, you don’t deserve any kind of respect from the youth.

Piece of advice lang … lumabas-labas ka sa lungga mo ‘pag may time, para makita mo ang kabuuan ng mundo.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *