Friday , October 4 2024

Matrikula itinaas ng 1,299 schools (Aprub sa DepEd)

051714_FRONT
PINAHINTULUTAN ng Department of Education (DepEd) ang 1,299 private schools sa pagtataas ng kanilang matrikula sa lima hanggang 35 porsiyento para sa academic year 2014-2015.

Tiniyak sa publiko ni Education Assistant Secretary Tonisito Umali na ang desisyon na aprubahan ang tuition fee hike sa private elementary at high school sa bansa ay dumaan sa wastong konsultasyon.

“‘Yung mga itataas ng matrikula ay ibabalik sa paaralan o kaya po sa pagtaas ng sweldo ng kaguruan sa pampribadong paaralan,” pahayag ni Umali.

Ayon sa ulat, ang private schools na pinahintulutang magtaas ng matrikula ay sa Region 6 (Western Visayas), may 311 schools, Region 1, may 246 schools, at Metro Manila, may 172 schools.

Samantala, sa gitna ng mga protesta ng mga estudyante, hindi pa makapagdesisyon ang Commission on Higher Education (CHED) kung pahihintulutan ang pagtataas ng matrikula sa ilang pribadong kolehiyo at unibersisad sa bansa.

HATAW News Team

051714 tuition hike rally mendiola
 SUMUGOD sa Mendiola ang mga kabataang miyembro ng League of Filipino Students (LFS) at National Union of Students of the Philippines (NUSP) upang iparating kay Pangulong Benigno Aquino III ang kanilang hinaing at pagtutol sa pagtataas ng matrikula sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa. (BONG SON)

LFS NAGPROTESTA

SUMUGOD sa Mendiola, Maynila ang mga kabataang militante upang kondenahin ang hindi pagkilos ng administrasyong Aquino sa patuloy na pagtaas ng matrikula.

Tinuligsa  ng League of Filipino Students (LFS)  ang pahayag ni Secretary Sonny Coloma ng Presidential Communications Operation Office, na sa mga eskuwelahan na lamang ng pamahalaan mag-enroll ang  mahihirap na estudyante kung hindi nila kaya  sa mga pribadong institusyon.

“Coloma’s suggestion was insensible as it is inhumane. It’s like their eardrums have been drilled deep that they’re not hearing our reasons to protest. It’s just ridiculous to tell the poor to settle  in SUCs while tuition fees in private universities continue to rise exponentially. This doesn’t respond to the fact that tuition fees in private schools remain overpriced,” ani Charlotte Velasco, national spokesperson ng LFS.

Dapat aniyang mabatid ni Coloma na maging ang matrikula sa state universities ay nagtataasan din kada taon.

Aniya, “nalimutan na yata ng administrasyong Aquino ang pagkamatay ni Kristel Tejada na nag-aaral sa UP ngunit dahil sa hindi nakayanang bayarin sa tuition fee ay dumanas ng depresyon hanggang magpakamatay.”

“We had enough of this system! Aquino is obviously a president who disregards the needs of his people,” ayon sa student leader.

Una rito ay kinompirma ng Commission on Higher Education na 353 mula sa 2,000 higher educational institutions ay humingi ng pagtataas sa matrikula.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

QCPD Belmonte

Kaligtasan ng QCitizens tiyakin tagubilin ni Mayor Joy sa bagong QCPD

SA PAGPAPALIT ng liderato ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, mahigpit na tagubilin ni  …

100224 PH Under-20 water polo team sasabak sa Malaysia Open

PH Under-20 water polo team sasabak sa Malaysia Open

SASABAK ang Philippine Under-22 water polo team  sa 65th MILO-DSA-PRM Malaysia Open Water Polo Championships …

RSTIW In CaLaBaRzon

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) in CALABARZON

Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan. Providing Solutions and …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *