Wednesday , October 9 2024

Direk Mike de Leon, tumanggi sa award ng Manunuri?

ni Ed de Leon

HINDI kami naniniwala na may issue sa mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino at kay Direk Mike de Leon. Magkakaibigan naman ang mga iyan. Isa ang Manunuri sa unang nagbigay ng parangal sa mga obra ni de Leon noong siya ay aktibo pa sa kanyang career. May mga miyembro rin ng nasabing grupo na nakiisa sa paglaban sa sensura nang hinihigpitan noon ang pelikula niyang Sister Stella L, na matagal din bago naipalabas dahil sa sinasabing “rebolusyonaryong tema”.

Sinabi rin naman ng grupo ng mga kritiko na para sa kanila ay hindi isang issue ang pagtanggi ng director sa ibibigay sana nilang lifetime achievement award doon. Sinabi nilang inirerespeto nila ang kanyang desisyon.

Hindi basta award na hotoy-hotoy iyon. Iyong lifetime achievement award ay isang pagkilala sa nagawang kontribusyon ng isang tao sa industriya ng pelikula na aalalahanin habambuhay. Kung kami ang tatanungin, iyang si director Mike ay isa talaga sa mga tao sa industriya na kailangang mabigyan ng ganyang parangal. Tama sana ang choice, pero choice rin niya kung tatanggapin iyon o hindi.

Kasi minsan, kahit na ang paniwala natin ay ok na ang kanyang mga nagawa, baka naman may iniisip pa siyang mas mahalagang proyektong gagawin, na inaakala niyang mas makakakompleto sa kanyang achievements. Maaari rin namang naniniwala siyang hindi sa mga award napatutunayan ang kanyang kahusayan bilang director.

Kung iisipin mo nga naman ano, may mga director na talagang trying hard na manalo ng awards, na dumarayo kahit na saang hotoy-hotoy na film festivals sa abroad. Iyon bang festivals na ginagawa lamang sa mga dalawa o tatlong magkakadikit na sinehan, kagaya ng ibang mga indie exhibition dito sa atin, tapos ipagyayabang nang nanalo sila ng award sa abroad. Hindi mo naman alam kung mga sidewalk vendor lang doon ang nagbigay sa kanya ng award.

Maraming director dito sa atin na panay ang habol sa awards, wala namang kumitang pelikula. Pero si Mike de Leon, na kinikilala ring isang henyo sa pelikula, tumatanggi sa awards.

About Ed de Leon

Check Also

Kim Ji-Soo Mujigae Seoul Mates Mimi Juareza

Kim Ji Soo nakagawa na ng pelikula sa ‘Pinas 10 yrs ago

RATED Rni Rommel Gonzales MALAMANG ay marami ang magugulat kapag nalamang ten years ago pa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB nakapag-rebyu 200K pelikula, palabas sa TV, at iba pang materyal sa loob ng 9 na buwan

AABOT sa 200,000 pelikula, palabas sa telebisyon at iba pang pampublikong materyal ang narebyu ng Movie …

Bong Revilla Jr Lani Mercado Inah Revilla

Bong naghain na ng COC, sinamahan ng anak na abogada

TIYAK na ang muling pagkandidato ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. para sa 2025 midterm elections matapos …

Ataska Mercado

Ataska proud sa sarili—I’ve been working really hard since I was five

RATED Rni Rommel Gonzales ITINUTURING ngayong Vivamax Princess, nagsimula bilang child actress si Ataska. Kung makakausap …

Julia Montes

Julia’s cryptic post pahulaan sa netizens

MA at PAni Rommel Placente MAY pa-blind-item si Julia Montes sa latest Instagram story niya tungkol sa isang tao na dati …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *